Kyra's Busy Day and Contract Signing
Kyra's Busy Day and Contract Signing
Scene #28
Sa office. Dumating si Kyra at sinalubong siya ni Tiffany. Mag a-ask si Kyra about sa schedule
niya sa araw na iyon. Makikita ang mga empleyado na binabati si Kyra habang papunta sa office
niya.
Tiffany: Goodmorning, Ma’am.
Kyra: Goodmorning. What is my schedule today?
Tiffany: You have a meeting at 8:30 am with the marketing team. By 10:00 am you have to meet
Mr. Velasquez para sa mga new investors. After that you have to go to the Altheria University to
give your speech for their seminar. From 12:00 noon to 1:00 is your free time. 2:30 pm is signing
contract naman po for the partnership with Mr. Coleman of Black Pearl Cruise Ship and our
company.
Kyra: Is that all?
Tiffany: Yes, Ma’am
Kyra: Okay, Let’s start this day with some coffee. Can you get me one?
Tiffany: Yes, Ma’am (Tumalikod na siya upang kuhanan si Kyra ng kape ng may naalala ito)
Oh, I almost forgot, Engr. Montefalco called earlier, he’s asking if you are available in anytime
this day po.
Kyra: Why daw?
Tiffany: Engr. Montefalco said that the plan for the office building is already done. I told him
you’re not available today and I'll just inform him when you have free time.
Kyra: Oh okay, tell him na lunchtime lang ang free time ko, if he’s okay with that, tell him to
meet me at XYZ Restaurant.
Tiffany: Noted Ma’am. I’ll go get your coffee na po. (naglakad na paalis si Tiffany at pumunta
na si Kyra sa office niya)
Scene #29
Sa restaurant na. Makikitang nagpapaalam na sa isa’t isa sila Mr. And Mrs. Velasquez at Kyra.
After umalis sila Mr. & Mrs. Velasquez ay ang pagpasok naman ni Dark. Naglakad siya
papalapit kay Kyra. Nakatitig lamang si Kyra kay Dark hanggang maka upo ito.
Kyra: You’re on time Engr. Montefalco, I thought you’re gonna be late again.
Dark: The site I’m working at right now happened to be nearby.
Kyra: So, kung hindi malapit ang site is malalate ka? Uh, whatever, anyway present your plans
for the office building.
Dark: Did you already eat your lunch?
Kyra: No, I’m okay with my coffee.
Dark: That’s not a proper meal. Let me order some. Waiter.
Kyra: Proper meal or not, why do you care?
Dark: I’m not. (mabilis na sagot niya)
Kyra: You can eat your lunch after you present the plan, and we’re good.
Dark: But it is uncomfortable to eat while someone is watching you
Ngunit hindi nakinig si Dark kay Kyra. Dumating ang waiter na may dalang menu. Tuloy lang
ang pag tingin ni Dark ng makakain nila habang si Kyra ay inilabas ang kaniyang phone.
Dark: (Depende yung order nila kung saan tayong restaurant may shoshoot)
Inulit ng Waiter ang order ni Dark
Waiter: Sir your order will serve after 20 mins
Dark: Okay.
Waiter: Okay Sir. (umalis na) (Ibinalik na ni Kyra ang phone niya sa bag at humarap kay Dark)
Kyra: 20 mins is too long. That’s enough time for you to present your plan. Start the presentation
Engr. Montefalco.
Dahil sa sinabi ni Kyra, nilabas na ni Dark ang files na naglalaman ng plano for office building,
binigyan niya ng copy si Kyra.
Dark: (Discussion nakay jasssy yung copy)
Kyra: Okay, I’ll just inform my attorney to ready the contract, so that we can both sign it as soon
as possible.
Dark: Okay.
Tumayo na si Kyra upang umalis na ng pigilan ito ni Dark
Dark: Kyra, eat before you go.
Magsasalita na sana si Kyra ng may biglang dumating na babae.
Anna: Engr. Montefalco!! I’m sorry I'm late. Am I too early?
Dark: Ms. Anna (tingin sa relo) You’re too early, our schedule is at 2 pm
Bago pa makasagot si Anna dumating na yung waiter, habang nilalapag niya ang pagkain
makikitang tinaponan ng tingin ni Anna si Kyra at inirapan ito. Nakita yun ni Kyra kaya nairita
ito at uminit ang kaniyang ulo. Bumaling ang tingin ni Anna kay Dark. At malagkit ang tingin
nito na animo’y nanlalandi.
Waiter: Here’s your order, Sir. Enjoy the food, Ma’am, Sir.
At dahil nakatayo na si Kyra, umupo si Anna sa inupuan ni Kyra kanina.
Anna: How thoughtful of you Engr. Montefalco ordered our food in advance.
Nagbigay ito ng nakakaakit na ngiti kay Dark. Walang emotion lang si Dark at napatingin kay
Kyra dahil pagalit na kinuha ang folder sa mesa. Matalim na tinignan ni Kyra si Dark.
Kyra: Sorry to interrupt your flirty conversation. I’m leaving now. Thank you for your time.
Enjoy. Eating. Your. Lunch. Engr. Montefalco!!
Dark: Wait, Kyra!!
Ngunit hindi na nilingon ni Kyra si Dark. Deretsyo lang itong umalis. Susundan sana ni Dark si
Kyra ngunit pinigilan ito ni Anna.
Scene #30:
Sa bahay. Pa gabi na. Nasa sala si Yaya lordes at si Kyra.
Yaya Lordes: Magandang gabi, Ma’am
Kyra: Good evening too, Manang.
Yaya Lordes: Mukhang pagod na pagod po kayo ah.
Kyra: Super po. (naglakad na si kyra papuntang room niya) Manang pasunod nalang po yung
dinner ko sa room, baka hindi na po ako lalabas mamaya. Thank you po.
Yaya Lordes: Ay sige po Ma’am.
Nangmakapasok na si Kyra sa room niya at linis na siya ng sarili niya. Habang nag s-skin care
siya naalala niya ang nangyare kanina.
Kyra: Eat your meal pala ah. Magsama silang kumain ng higad na yun.
Tinuloy niya ang kaniyang ginagawa. Maya maya biglang tumunog ang kaniyang phone.
Attorney: You know what, I’m tired talking with your secretary. How busy are you that you
can’t call or atleast answer my call? Hindi na ba ako importante sa buhay mo Kyra? (OA dito na
part, like paawa)
Kyra: Ohh please Anthony, Stop being OA nga. Formal way yun to ask you to write the contract,
We’re both professional. So, act like one. (natatawang sabi ni Kyra)
Attorney: Professional pala huh. Anyway, ready na yung contract, you can give it to your
Engineer. (tuksong sabi ni Anthony)
Kyra: Oh, that fast? And he's not. MY. Engineer.
Attorney: Yes, marami akong free time. Pwede pa nga tayo mag date if you want eh.
Kyra: Anthony (Seryoso na boses)
Attorney: Okay, I'll stop na. Are you sure na itutuloy mo ang contratang ito?
Kyra: Yes, Wala naman sigurong mangyayaring unnecessary events.
Attorney: Okay, well then, I’ll go with you tomorrow to meet him.
Kyra: Okay, I’ll let Tiffany know, so that she can schedule it.
Attorney: Please sabihin mo kay Tiffany, wag lunch time.
Kyra: Arte, Okay, bye attorney. (End call)
After ng call, nag text siya kay tiffany na inform si Dark na mag sign na sila ng contract bukas at
schedule niya ito. After niya itext si Tiffany binuksan niya ang laptop niya para icheck ang ibang
files na ongoing sa company niya at natulog na ito.
Scene #31
Nauna ng nakarating si Dark sa meeting place nila. Habang hinihintay niya si Kyra ay may
kausap siya sa phone niya, isa sa mga tauhan niya sa site. Tinatapos na niya ang call ng makita
niya si Kyra na pumasok na ngi-ngiti sana ito sakanya ng makita niyang may kasamang lalaki si
Kyra at nagtatawanan sila.
Hindi napansin ni Kyra na nandoon na si Dark at masayang nakikipag kwentohan kay Anthony.
Ng ilibot niya ang kanayang tingin nakita niya si Dark. Agad silang lumapit sakanya.
Kyra: Good morning, Engr. Montefalco.
Dark: Good morning, Ms. Vergara. And? (nilingon niya si Anthony)
Anthony: Please to meet you Engr. Montefalco, I’m Atty. Anthony Martinez.
Kyra: He is my Attorney. He will be the one to discuss our contract.
Anthony: So, let’s start?
Sabay silang tumango. Nag start na idiscuss ni Anthony ang kontrata at makikitang may inabot
na files kay Kyra at kay Dark. Si Anthony lang nag salita throughout the discussion at nakinig
lang ang dalawa
Anthony: Here’s the other copy of the contract in case I need ng company niyo Engr.
Montefalco. (binigay niya ang extra na files kay Dark) So, do you have any questions? Feel free
to look and read carefully the contract Engr. Montefalco.
Binasa ng konti ni Dark ang kontra at nag agree siya sa mga condition doon. Agad na pinirmahan
niya ang kontrata. Nagulat si kyra dahil sa ginawa nito
Kyra: Hindi mo lang ba ipapacheck sa attorney niyo ang kontrata na ginawa ng abogado ko?
Dark: Nah, hindi naman kayo scam diba? Well, it's your loss, if you scam and betray me.
Matalim na tinignan ni Dark si Kyra. Ngunit umiwas lang siya ng tingin. Si anthony naman ay
hindi na mapakali dahil sa atmosphere na pumapalibot sakanila. Ng hindi niya matiis ay binasag
na niya ang katahimikan.
Anthony: If were done here. I badly need to go. (nag lean siya kay Kyra at bumulong ito) Sorry,
may date pa ako (sabay tawa niya)
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Dark ng makita niyang nagbubulongan ang dalawa.
Kyra: Iiwan mo ako dito? Wala ka talagang kwentang kaibigan. Ma busted ka sana ulit
Bulong din ni Kyra kay Anthony, tinawanan lang niya ito at tumayo na. Tumingin siya kay Dark
at ngumiti
Anthony: Sige Engr. Montefalco, Ma’am Vergara, Mauuna na ako, may appointment pa ako.
At umalis na nga si Anthony. Naiwan si Kyra at Dark doon. Tahimik lang sila pero ang bigat na
ng aurang pumapalibot sa dalawa.
Dark: Did you eat already?
Bago pa makasagot si Kyra ay may tumawag sa phone niya
Kyra: Yes? (Pause) What? (Pause) Okay, papunta na ako diyan, arrange the meeting with the
board (Pause) Okay, I’ll be there in 15 minutes.
Nag end na yung call at nagmamadaling nag ayos ng gamit si Kyra, hindi niya napansin na
nakatingin pala si Dark sakanya. Nakuha lang ni Dark ang atensyon nito ng kumatok siya sa
mesa. Napaangat ang tingin ni Kyra.
Kyra: I’m sorry, I need to go, May emergency sa company ko.
Tumayo na si Kyra, paalis na sana siya ng tawagin siya ng Dark
Dark: Can I have at least your number?
Kyra: You can get it from my secretary, I really have to go. I'm sorry.
Dali daling umalis si Kyra doon at naiwan si Dark na mag isa. Nakasalubong pa ni Kyra si Anna
ng nasa may pintuan na siya. Tumigil ng konti si Kyra ngunit umalis din lang siya agad.
Scene #32
Nasa BMT sila Kyra at ang mga kaibigan niya na sina Thalia, Chantia at Keira. Nag catch up sila
dahil matagal silang hindi nagkita-kita at nasa iba’t iba silang kompanya at lugar.
Kyra: Tell me, why did I hire him again?
Keira: Nadistract ka dahil ang pogi ng ex mo.
Nagtawanan silang pagkakaibigan dahil sa sinabi ni Keira except kay Kyra. Napailing nalang si
Kyra sa kalokohan ng mga kaibigan niya.
Kyra: Hindi naman siya pogi eh.
Tumigil sa pagtawa ang mga kaibigan niya ng marinig nila iyon. Nang umirap si Kyra ay
nagtawanan ulit sila.
Kyra: Funny? (irita na sabi niya) Stop making fun of me.
Pero patuloy pa din ang tawanan nila
Chantia: Ahh kaya pala lagi kang tumatawag sa amin noon para kamustahin siya, nabulag ka ata
bigla ng magkita kayo? (sabay tawa)
Keira: Nabulag dahil sobrang kagwapuhan ni Dark. Your ex is the reason why you became blind.
(Nagtawanan ulit sila, samantalang si Kyra ay di na mapinta mukha niya)
Thalia: Ahm, lilinawin ko lang, hindi sila mag ex dahil wala namang hiwalayan na naganap.
Chantia: Oo nga pala, so ano kayo? Hindi naman kayo pwedeng tawagin na mag ex
Thalia: Sino ba namang baliw ang mag iiwan ng phone pag aalis ng ibang bansa, at ni hindi man
lang nag open ng social media.
Kyra: Alam niyo naman ang pinagdaanan ko, it just that, I can’t face you all while suffering from
mental breakdown. And I’m too busy taking care of Luna.
Keira: Kung hindi pa namin naabutan si Manang Lordes sa bahay niyo dati hindi namin
malalaman ang nangyari, 2 years din kaming walang contact sayo.
Chantia: Do you know how devastated we are, akala namin you kasi abandoned us na [Link]
mo ba sabi pa ni Keira, kalimutan ka na namin kasi you left us na din e.
Keira: Sinong hindi mag sasabi ng ganun eh ni wala nga tayong balita diyan. Ang selfish mo sa
part na yun. Even Dark, hinanap ka niya kung saan saan, aminin mo ang sama mo sa kanya sa
part na yun na hindi mo man lang siya in inform.
Thalia: Keira, minsan need na talaga ng filter yang bunganga mo.
Tahimik lang si Kyra na pinapakinggan ang sinasabi ng mga kaibigan niya. Hindi siya
nasasaktan sa sinasabi ng kaibigan niya dahil mas masakit ang nabitawan nila ng pumunta silang
New York para kausapin siya. Nakikinig siya ng rant ng kaibigan niya ng biglang tumunog ang
phone niya. Nakita niyang nag text si Dark sakaniya.
Dark: We need you here on site, you need to check the interior design.
Hindi alam ni Kyra na nabasa pala ni Keira ang text ni Dark
Keira: Hmm muling ibalik na ba? Ahh paano maibabalik yan eh hindi naman kayo naghiwalay?
Nagtawanan na ulit sila na parang walang nangyari kanina.
Kyra: Mga baliw kayo, I gotta go, they need me there.
Thalia: Ohh you mean Dark? He’s so needy, I mean clingy. (Laugh)
Umiling nalang si Kyra at nagpaalam na sa mga kaibigan niya
Scene #33
Nagmadali si Kyra na pumunta ng site. Nang makarating siya, sumalubong sa kanya na may
kausap na babae si Dark. Nang makita siya ni Dark ay nilapitan niya ito. Sumunod sa kanya ang
babaeng kausap ni Dark.
Dark: You’re here! Bakit ang bilis mo?
Bago pa makasagot si Kyra ay sumabat na ang babae.
Trisha: Hi are you, Kyra Vergara? Omaygadhh, I'm Trisha Hermosa, Ako yung architect na
hinire ni Dark. (sabay abot ng kamay kay Kyra kinuha naman nito)
Dark: It’s Engr. Montefalco, (Pag correct niya kay trisha) Architect Hermosa.
Trisha: Oops I’m sorry, my bad. I forgot nasa workplace pala tayo
Umirap at inalis ni Kyra ang pagkahawak ng kamay ni Trisha sa kamay niya .
Kyra: I didn’t know na, hire 1 plus 1 pala ang policy niyo, If I get the Engineer , there’s free
architect.
Trisha: Ah yan kasi si Dark, I mean Engr. Montefalco pala, gusto niya lagi akong kasama in
every project na gagawin niya.
Dark: You’re the one na gustong sumama sa akin. You’re always there wherever I go.
Trisha: Wag mo nga ako ipahiya kay Ma’am Vergara,. Don’t you know that Engr. Montefalco is
very loyal to his girlfriend abroad. She’s in New Spain.
Nagulat si Kyra at lumingon kay Dark. Nakita ni Kyra na nagulat din si Dark sa sinabi ni Trisha.
Hinila ni Dark si Trisha palayo kay Kyra. May biglang tumawag kay Kyra na isang empleyado
na babae.
Kate: Good noon Ma’am, you can check the interior design that you prefer. Feel free to inform
me or Architect Hermosa if you want changes in designs. I’m Kate Cruz by the way, your
interior designer.
Kyra: Thank you for informing me. The designs are fine me. Wala na akong papalitan. May
kailangan pa bang idiscuss?
Kate: Wala na Ma’am. That's all we need po.
Umalis na si Kate doon. Nang makita niyang nag-uusap pa si Dark at Kate, hindi na siya
nagpaalam at umalis na. Hindi niya alam na nakita pala ni Dark na paalis siya at sinundan siya
nito.
Scene #34
Tahimik na nakaupo si Kyra habang iniisip pa din niya ang sinabi ni Trisha kanina.
Kyra: Considered ba yun as cheating? (wala sa sariling sabi ni Kyra, hindi niya namalayan na
tinabihan na pala siya ni Dark)
Dark: Ang alin?
Nagulat si Kyra ng may magsalita sa tabi niya at ng tingnan niya kung sino ito, napairap siya at
napaiwas ng tingin.
Kyra: Why are you here?
Dark: I followed you, you’re still the same Kyra that I know.
Ngayon nalang ulit niya narinig na tawagin siya ni Dark sa kanyang pangalan.
Kyra: What do you mean?
Dark:The impatient girl that I know hasn’t changed. You’re still the old Kyra that I know.
Kyra: Hindi na ako katulad ng dati Dark.
Dark: Yeah.
Tahimik silang dalawa ngunit pinapakiramdaman nila ang isa’t isa.
Kyra: Bumalik ka na doon, baka sabihin nila nag checheat ka.
Dark: Ako? Huh?
Kyra: Oo, bumalik ka na doon baka isumbong ka nung Architect mo doon sa girlfriend mo.
Dark: Anong sinasabi mo?
Kyra: Yung girlfriend mo, yung pinalit mo sakin yung taga New Spain
Dark: I never replaced you
Kyra: Pardon?! You’re such a liar! Kasasabi lang ni Architect Hermosa na may Girlfriend ka eh.
Stop fooling around. You’re such a flirt.
Dark: She doesn't mean it.
Kyra: Then what? (at biglang humarap kay Dark, nakita niya kung paano siya titigan ni dark
pero nakipag titigan pa din siya)
Dark: I don’t have a girlfriend, Kyra.
Kyra: Sino yung nasa New Spain? Imagination ni Architect Hermosa?
Bumuntong-hininga si Dark at hinilot ang sentido.
Dark: It's supposed to be New York not New Spain.
Kyra: What? Ang layo ng New Spain sa New York. SIno ba yun at baka kilala ko?
Dark: Of course, you know her. Kilala mo sarili mo eh.
Natulala si Kyra ng magsink in sa kanya ang lahat.
Kyra: Are we---
Bago matapos ni Kyra ang sasabihin ay nagsalita na si Dark.
Dark: Do you have regrets?
Hindi ito makatingin kay Dark at nag-iwas na lamang siya ng tingin.
Kyra: Yes, sana sinabi ko sayo, I shouldn’t left you guessing.
Dark: I am constantly praying that someday I’ll be able to forget you. But I just can’t, you’re still
here Kyra(turo sa puso, teary-eyed), kahit iniwan mo ako, nandito ka pa din. I tried searching and
looking for you but you left me without a trace. I begged your aunt to let me see you, but she
refused. Kahit na ilang minuto lang Kyra, hindi ka nagpakita sa akin. You treated me like trash.
You tortured me Kyra, I was so exhausted, mentally and physically tired that time.
Kyra: But you stopped.
Dark: I just thought that maybe (pause) I wasn’t enough. I don’t wanna put pressure on you, I
want you to take your time and I just learned to understand our situation. I made myself believe
that you’ll come back to me, but you never did. Not until Kuya Zack told me that finally,
nakauwi ka na ng Pilipinas, but then I realized you came home not for me. So, I need to accept
the fact that you’ll never come back to me ever again.
Kyra: I’m sorry, I’m so sorry.
Dark: Nandoon ako Kyra, at your parents' burial, but I didn’t show in front of you. I was there
watching you grieving. Nasasaktan ako na nakikitang nasasaktan ka. Gusto kong ako ang
pumawi ng sakit na nararamdaman mo noon, magpahid ng luha mo but you didn’t let me. You
silently killing me that time, Kyra.
Kyra: Bakit hindi mo sinabi?
Dark: You didn’t give me a chance, you don’t even want to see me. Now tell me Kyra, how can I
tell you?
Tahimik na humihikbi si Kyra, hindi alam ang sasabihin. Pareho silang umiiyak, ibinuhos nila
ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng pag-iyak. Hanggang sa nagsalita ulit si Dark.
Dark: Shhh.. Stop crying, that's why I don’t want to let you know . If you still don’t want me in
your life now Kyra, I’ll understand.
Pinupunasan niya ang luha ni Kyra at tahimik lang itong humihikbi.
Dark: But I want you to know that I’m trying, at least give me a chance to prove myself to you.
If you still don’t want me after that, I’m letting you go Kyra. I’m freeing you and you won’t ever
see me again Kyra.
After niya sabihin yun umalis na siya at iniwan mag-isa si Kyra.
Scene #35
Thalia: A chance? I vote for yes.
Chantia: Ewan ko ba sayo at hindi ka nagboyfriend, marami namang nanliligaw sayo, hindi ka
naman pangit.
Nagtawanan sila, nasa bahay sila ngayon ni Kyra dahil na nagpaplano sila magbeach dahil pare-
pareho silang walang work
Keira: Paano yan magboboyfriend ehh, hindi nga sila naghiwalay ni Dark diba?
Thalia: Takot matawag na cheater!
Keira: Ahh weak ka pala eh.
Kyra: Pwede ba wag mo ako itulad sayo!
Inasar nila si Keira dahil sa sinabi ni Kyra.
Chantia: Kung nagbalikan nalang kaya kayo agad, ano yan may paligaw effect pa?
Keira: Hay nako Kyra, alam naman namin na mahal niyo pa isa’t isa eh.
Thalia: Pinapahirapan niyo pa sarili niyo.
Nag-agree naman sila Keira at Chantia sa sinabi ni Thalia. Hinayaan na ni Kyra na asarin siya ng
mga kaibigan niya. Kinuha niya ang kanyang phone at tinext si Dark.
Kyra: Dark, are you free tomorrow? Gusto mo sumama sa amin sa Beach?
Ilang segundo pa nag text back na si Dark kaya agad na tiningnan ni Kyra ang phone niya.
Makikita na magsisenyasan ang magkakaibigan at tiningnan nila si kyra.
Dark: Sure.
Naghintay pa ng ilang minuto pero wala nang nataggap si Kyra na text kundi iyon lang
Keira: Nako, baka kasama niya si Architect Hermosa (Laugh)
Chantia: Gaga, baka yung Anne, malanding higad pala ah. (Laugh)
Thalia: Nagchat sakin si Zack sasama din siya kasama yung si Lovely.
Nagkwentuhan pa sila dito (Wala ng audio)
Kinabukasan (yung pag punta natin sa beach pwede nating ishoot, clips lang yun pero tapos
background music na)
Nakarating na sila sa beach, Magkahawak kamay si Dark at Kyra papuntang dalampasigan,
parehas silang umupo at nilanghap ang amoy ng dagat. Nanahimik silang dalawa. Humarap si
Dark kay Kyra at ganun din ang huli.
Dark: I love you Kyra, Mi Amor.
Kyra: I still love you Dark, so much
Sa sobrang saya ni Dark ay niyakap niya si Kyra
Thalia: Ohhh, tama na muna yan, kain muna tayo
Tumayo na sila Dark at pumunta sa cottage upang kumain na muna.
Habang kumakain mapapansin ni Dark na parang may nalulunod. Ibababa niya yong kinain niya
tapos marahan muna siyang maglalakad pa dalampasigan nang maconfirm niyang nalulunod nga
ito, ay dali-daling tumakbo upang sagipin ito.
Mapapansin ni Kyra na wala na sa tabi ni si Dark, aligaga na si Kyra at kinakabahan ito.
Mapapansin din ng kasamahan niya na wala si Dark kaya nilibot nila ang paningin nila para
hanapin si Dark. Nakita nila si Dark na may sinasagip at agad silang nagtakbuhan para tulungan
si Dark. Nagpapanic na ang lahat. Maingay at nagkakagulo na nasa paligid naghihintay sila na
makarating sa pampang si Dark at yung nalulunod.
Pagkatapos ay tatanungin ni Kyra kung nasaan si Dark. Then mapapalingon silang lahat doon at
may pumunta para tulungan din si Dark.
Kyra: Where's Dark?
After matulungan si Dark iccpr na siya. Yun palang unang nalunod ay nacpr na at nagising na.
After macpr ni Dark ay ilalagay siya sa stretcher maglalakad ng kaunti then dahil wala tayong
Ambulance kuha na lang tayo ng clip sa yt ng video ng ambulance then magfafade na dyan.
Scene #36
Sa room ng hospital. Nakahiga si Dark tapos nakaupo si Kyra. Naghihintay siya na magising si
Dark. Mababakas sa mukha ni Kyra ang lungkot. Maya-maya pa ay magigising na si Dark.
Dark: Please don't be sad.
Kyra: Dark!
Kyra: Dark! You're awake. Wait, I'll call the doctor.
Pipigilan siya ni Dark.
Dark: Mamaya na. Okay na akong nakita kita paggising ko.
Kyra: Are you okay? May masakit ba sayo? Tell me.
Dark: I'm fine. Ako pa ba? Hahaha (Hindi natin aalisin yong mapagbirong personality ni Dark)
Kyra: Are you sure? I thought I'll gonna lose you. (umiiyak)
Dark: Shhhhh. Huwag ka na umiyak sige ka papangit ka. Saka ayos lang ako. (Sabay punas sa
luha ni Kyra)
Kyra:(continue sobbing then kakalma na)
Kyra: Nahospital ka na't lahat-lahat nagawa mo pa ring magbiro. (hahampasin si dark sa braso)
Dark: I love you. Hindi na yan biro.
Kyra: Smile! I love you. (Hawak sa kamay ni Dark then ilalagay niya sa may part ng pisngi niya)
Then mag-uusap pa sila sa part na yan pero wala ng lines clip na ulit. Then fade
Scene #37
Sa hospital pa rin. Nagbabalat ng prutas si Kyra tapos kakatok at papasok si Zack. Sasabihin
niyang pwede ng idischarge si Dark kinabukasan.
Zack: tok!tok!tok!(bubuksan na niya pinto) Nakausap ko na si Doc ang sabi niya pwede ka na
raw makalabas bukas. Nasettle na ang hospital bills, so no worries.
Dark: Salamat, kuya.
Zack: Don't mention it. Aalis din lang ako agad sumaglit lang ako rito. Alam niyo na buhay
daddy hahaha
Dark: Okay lang, kuya. Thank you ulit.
Zack: Sabi kong wala yon. Sige alis na ako. (Palabas na ng room) Pipigilan siya ni Kyra saglit
then magthathank you rin.
Kyra: Zack, Thank you so much for your help.
Zack: Naku wala yon basta para sa inyong dalawa.
Kyra: smile! Pasabi rin kay Fresan thank you.
Zack: Sige sasabihin ko. Bye.
Kyra: (Goodbye sign Then lilingon na si Kyra kay Dark. Paglingon niya masama mukha ni
Dark.)
Kyra: Why? (Natatawang tanong niya)
Dark: Wala. I love you. Mahal na mahal kita.
Kyra: Sus. Seloso! Mahal na mahal na mahal kita.
Then fade ulit pa cut nanaman tas kinabukasan na.
Scene #38
Nasa room pa rin. May kachat si Dark sa phone niya then ibubulsa niya rin agad yong phone
niya while si Kyra nag-aayos ng gamit nila. Umuwi na sila. Nasa bahay si Kyra at text sa kaniya
si Dark na sinasabi na pumunta sa park XXX. Sinubukan niya itong tawagan subalit hindi
sinasagot ni Dark ang kanyang mga tawag.
Nagmadali na pumunta sa Kyra sa sinabi ni Dark na place. Pagpunta niya, makikita niyang
nakakalat ang petal of roses sa mga damo, naguguluhan si Kyra kaya nag stop muna siya kasi
baka mali siya ng napuntahan. Habang lumilingon lingon siya sa paligid niya may lumapit
sakaniya.
Extra 1: May nagpapabigay po
Nakatanggap siya ng rose at note na WILL, patuloy lang siyang nag lakad at sinundan ang petal
of roses, at nakatanggap din siya ng tatlo pang roses at may mga notes din ito YOU. ME.
AMOR.
Nakita na niya si Dark, tatakbo sana siya ng mapansin niya ang paligid niya. Naka suit si Dark,
pormal na pormal siyang tingnan. At aminado si Kyra na ang pogi ng boyfriend niya. Dahan-
dahan siyang lumapit kay Dark ng nakangiti. Nakangiti din si Kyra nang makalapit si Kyra.
Kyra: Why didn’t you answer your phone? (hindi pinakinggan ni Dark ang sinabi niya at nag
speech na siya)
Dark: I know na ang bilis ng mga pangyayari. Iyong nangyari sa akin, akala ko hindi na kita
makakasama. Akala ko 'yon na yong huli nating pagsasama. I was so scared for you, for us. Ang
daming what if na nagpopop up sa isip ko right now and ayaw kong dumating sa time na
pagsisihan ko ang hindi paggawa ng mga bagay na deserve mo.
Kyra: Dark, you don’t need to do this. You know---
Bago pa matapos si Kyra lumuhod na si Dark. May apat na taong biglang sumulpot sa likod ni
Dark, hindi niya sila nakilala dahil naka mask at naka hat ang mga ito. May dala silang placards
at nakasulat doon ang MARRY.
Dark: Will you marry me, Mi amor?
Kyra: Yes, Dark. (sinuot na ni dark ang singsing kay kyra, ng tumayo si dark ay agad niya itong
sinunggaban ng yakap. Nag palakpakan ang mga tao sa paligid, nagulat si kyra ng makita niya
ang mga nandoon. Ang mga kaibigan niya, Si zack at lovely, nandoon din sila Architect
Hermosa at si Kate. Nagulat siya ng makita niya ang kanyang nakakabatang kapatid na
inaalalayan ni Manang lordes at ang tita niya.
Kyra: My sister is here! (hindi makapaniwala na sabi nito)
Dark: I invited her (kumalas sa yakap si Dark at pinunta niya si Kyra kung nasaan ang kanyang
nakakabatang kapatid)
Luna: Ate Amor, kuya Dark. Congratulations! Niyakap ni Kyra si Luna.
Kyra: Kailan ka pa nakauwi?
Luna: Kahapon pa na isa ate, sinundo ako ni Tita Mae.
Kyra: Thank goodness you’re okay. Dark, Thank you, I love you so much.
Dark: I love you more, Kyra.
Scene #40
(May pa background music na here, Bawat Piyesa by Munimuni)
Nasa dalampasigan si Thalia at Kyra habang nakaupo. Si Kyra ay may hawak na book tapos
ititiklop niya yong book. Matatahimik silang dalawa.
Kyra: How is it?
Thalia: So overwhelming. (tiningnan niya si Kyra at gentle na ngumiti) Bukas na ‘no? Ang bilis
ng panahon.
Kyra: Yeah (tipid niyang sabi)
Thalia: (buntong hininga) I’ll go get some drinks. (tumango lang si kyra)
Tahimik si Kyra na pinapanood ang dagat at ang ulap. Tumayo siya at nagpagpag ng short.
Tumingala si Kyra at nakita niya ang ulap.
Kyra: Dark never leaves the sky and sun (at pumikit at ninamnam ang hangin na tumatama sa
mukha niya)
Someone: Kyra Amor!!
Lumingon si Kyra sa tumawag sa kanya. Paglingon niya. Black na ang screen
(Lalakas na dito yung background music and credits na at mga actors)
END.