KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
Nanggaling ang terminong heograpiya sa wikang Greek
na Geo or Daigdig at Graphia o Paglalarawan.
ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG
KLIMA AT PANAHON
LIKAS NA YAMAN
FLORA (PLANT)
FAUNA ( ANIMAL)
Distribusyon at interaksiyon ng tao at iba pang
organismo ng kapaligiran nito
Noong 1984 binanghay ng limang mag kakapareha na
temang heograpiya na pinangunahan ng National Council
for Geographic Education (NCGE) at nang Associaton of
American Geographers (AAG)
Lokasyon – Nag sasaad ng mga lugar sa mundo
Relatibong Lokasyon – Halimbawa ng mga anyong lupa
at anyong tubig at mga estrakturang gawa ng tao.
Lokasyong Absolute – Ginagamit ang mga imahinasyong
guhit tulad ng Longitude at Latitude line na sumasaklaw
sa grid.
Lugar – Nag sasaad ito ng mga katangiang naayon sa
isang pook
Rehiyon – nag sasaad ito sa bahagi ng daigdig na pinag
iisa na magkapareho ng katangiang pisikal at kultural
Crust – ang matigas at mabatong parte ng daigdig na ang
kapal ay umaabot mula 30-65 kilometro (km), subalit sa
mga karagatan ito ay may kapal lamang na 5-7 km
Mantle – Isang patong ng mga batong napakainit kaya
malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito
Core – Kailalimang parte ng daigdig na sumasaklaw ng
mga metal tulad ng iron at nickel
Ang daigdig ay may apat na hating globo ( Hemisphere)
Hinahati ng Equator
Northern Hemisphere
Southern Hemisphere
Hinahati ng Prime Meridian
Easthern Hemisphere
Western Hemisphere
Mod 2
wika- itinuring bilang kaluluwa at salamin ng isang
kultura
Batay sa datos mula sa aklat ng “Kasaysayan ng Daigdig”
na sinulat ni Blando et al (2014)
Tinatayang may 7,105 buhay na wika sa mundo ng
mahigit 6,200,000,000 katao.
Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na
language family
May 136 language family sa buong daigdig
Katangian ng Wika
1. Dinamiko – nag babago ito kasabay ng pagbabago ng
panahon at pandaigdigan ng pagbabago
2. May sariling kakanyahan – Hindi mahahanap sa
ibang wika ang mga katangian ng isang wika
3. Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa – Ang
sining, panitikan, karunungan, kaugalian,
kinagawain, at paniniwala ng mga mamayan ang
bumubuo ng kultura.
Kristiyanismo – 32%
Islam – 23%
Hinduismo – 15%
Non- Religious – 12%
Iba pa – 11%
Budismo – 7%
Halaw sa datos na sinulat ni ( Minahan 2014) ang Han
Chinese na may tinatanyang populasyon na 1.4 bilyon
ang pinaka malaking pangkat etniko sa buong daigdig
Ito ay sundan ng mga arabs na may populasyong 450
milyon (nydeml 2005) at ang pangatlo ay ang Bengalis na
may populasyon na 230 mimyon (Ethnologue 2014)
Grupong Etnolinggwistiko
Dalwang batayan ng paghahating etnolinggwistiko
1. Wika – Sumasalamin sa pangunahing
pagkakakilanlan ng isang pangkat
2. Etnisidad- Ang pagkakapareho ng isang pangkat
batay sa wika, tradisyon, paniniwaka, kaugalian lahi
at saloobin.
MOD 3
PANAHON NG BATO
UNANG YUGTO
Panahon ng Paleolitiko 2.5milyon – 10,000 BCE
- Ibig sabihin ay panahon ng LUMANG BATO
- Paleos o matanda ; Lithos o Bato
- Natuklasan ang kahalagahan ng APOY
- MAGAGASPANG BATO
IKALAWANG YUGTO
Panahon ng Mesolitiko
- Nangunguhulugang GITNANG PANAHON NG BATO
- Naka gawa ng mga kasangkapan gamit ang
MAKIKINIS NA BATO
- Sa pag katunaw ng glacier or malalaking tipak ng
yelo noong 1000 hanggang 4000 bce nag simula
ang pag usbong ng mga gubat
- Nakaranas ng taguyot ng lupa dahil sa matinding
init ng panahon
- Naninirahan sa ilog at dagat
- Pag gawa sa Microlith
IKATATLONG YUGTO
PANAHON NG NEOLITIKO
- PANAHON NG BAGONG BATO
- Neos- Bago ; Lithos – Bato
- MATUTULIS NA BATO
- Kinakasangkapan ng arkeolohiya at antropolohiya
- Sistema sa pag tanim
- Natuto ang mga sinaunang tao na manatili sa isang
pook
MOD 4
KAUGNAYAN NG HEOGRAPIYA SA PAGSIBOL NG MGA
SINAUNANG SIBILISASYON
Mesopotamia : Sibilisasyon sa Kanlurang Asya
Galing sa wikang Griyego ang salitang MESOPOTAMIA na
ang ibig sabihin ay LUPA SA GITNA NG DALAWANG ILOG
Magkakaibang grupo ang umangkin at naninirahan dito,
ang mga halimbawa ng umaagaw sa lupaing ito ay ang
lipunang SUMERIAN, AKKADIAN, BABYLONIAN,
ASSYRIAN, CHALDEAN, ELAMITE
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
Ang mga pangunahing siyudad sa mundo ay nag umpisa
sa malapad na lupa na malapit sa mga ILOG TIGRIS at
EUPHRATES. Ang malawak na lupa na makikita sa gitna
ng dalawang ilog ay kilala sa katawang MESOPOTAMIA.
Makikita sa IRAQ at ILANG PROPORSYON NG SYRIA AT
TURKEY ANG LUGAR BA ITO SA NGAYON.
SIBILISASYON – MULA SA SALITANG “ CIVITAS “ NA ANG
IBIG SABIHIN AY “LUNGSOD”
Ang mabalantok na masaganang lupain na nanggagaling
sa PERSIAN GULF patungo sa silangang dalampasigan ng
MEDITTERRANEAN SEA ay tinatawag na FERTILE
CRESCENT
Dito makikita ang mesopotamia. Ang karaniwang
pagbaha ng ILOG TIGRIS at EUPHRATES ay nag bibigay ng
BANLIK OR SILT.
INDUS: SIBILISASYON SA TIMOG ASYA
Isang malapad na PENINSULA na PORMANG TATSULOK
ang rehiyon ng TIMOG ASYA, Saklaw nito ang lupain ng
INDIA, PAKISTAN, BANGLADESH, AFGHANISTAN,
BHUTAN, SRI LANKA, NEPAL AT MALDIVES
Ang kalagayang heograpikal at kultural ay naiiba kung
ikukumpara sa ibang lugar ng asya. Dahil Ibinukod nito g
mga bundok.
Sa hilaga ay makikita ng mga dalusdos ng kabundukan
tulad ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran habang
napaliligiran ito ng ARABIAN SEA sa Kanluran, INDIAN
OCEAN sa timog at sa silangan ay BAY OF BENGAL
Umunlad at yumabong ang mga lengguwahe at
kaugaliang indian noong napasok ito ng mga dayuhan na
lumusot sa KHYBER PASS sa hilagang kanluran.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS
Taong 1920, natuklasan ang bakas ng mga siyudad ng
HARAPPA AT MOHENJO DARO SA LAMBAK NG INDUS.
Pag dating ng 3000 BCE, halos mag ka tugma ang pag
sibol ng mga pamayanang umunlad sa rehiyong ito sa
SUMER, kung ikukumpara ang indus sa ehipto at
mesopotamia, mas malapad ang nasasakupan mg indus.
Matatagpuan ang malawak na lupain nito na noon ay
sakop ng india sa PARTENG HILAGANG KANLURAN AT
KINALALAGAYAN NGYAOON NG BANSANG PAKISTAN
Sa gilid ng ILOG INDUS NAG UMPISA ANG SIBILISASYON
SA INDIA. Ang tubig na umaagos sa ilog Indus ay may
distansyang 2900km ( 1800 milya )
-Ito ay nang galing sa natutunaw na malalaking yelo sa
ibabaw ng kabundukang Himalaya at Dinaanan nito ang
KASHMIR, hanggang ang kapatagan ng Pakistan
Ang labis na pag agos ng ilog ay nag dala ng BANLIK SA
LUPA AT NAGPABUTI SA HALAGA NG LUPAIN, taunan
itong nagaganap sa kalagitnaan ng Buwan ng HUNYO AT
SETYEMBRE.
Pag dating ng 3000 bce, marami na ang nanahanan sa
lambak ng indus at kadalasan ay may mga munting
komunidad na may muog at sistematikong daan
TSINO: KABIHASNAN SA TIMOG SILANGANG ASYA
Kinilala ang sibilisasyong tsino sa buong mundo na
pinakamatanda at nagpatuloy pa rin hanggang ngayon.
Tinatayang nagsimula ito apat na milenyo na ang
nakaraan
Heograpiya ng Huang Ho
Ang sibilisasyon sa China ay nag simula sa gilid ng
YELLOW RIVER OR HUANG HO. Ang kahabaan ng ilog na
ito ay tinatayang 3000 milya na nanggaling sa
kabundukan ng kanlurang china. Umaagos ito hanggang
sa YELLOW SEA, Naging bunga nito ang NORTH CHINA
PLAIN, kung saan sa paglipas ng ilang taon, maraming
beses na nagpa iba iba ang binabagtasan ng ilog
hanggang sa naka likha ito ng isang malapad na
kapatagan.
Nag iwan ng banlik ang pag baha ng Huang Ho at Naging
suliranin din ang labis na pag apaw dahil sa ang north
china plain ay isang kapatagan.
Pinaniwalaan na sa kapanahunan ng pamamahala ni YU
KABIHASNANG EHIPTO
Sa parteng hilagang silangan ng Africa ay makikita ang
lambak ng ILOG NILE sa EHIPTO na naging lunduyan ng
sibilisasyon. Sinasabing mas matibay ang sibilisasyong
sumibol sa ehipto kung ikukumparasa mesopotamia na
mag unang nag umpisa
Pag dating ng 3100 BCE, ang sinaunang Ehipto ay naging
ganap na estado at nag patuloy sa loob ng tatlong
milenyo
Bago pa dumating ang 8000 BCE ay pinaniniwalang
mayroon ng namumuhay dito. Naging pananaw na
posibleng nanggaling ang sibilisasyong ehipto sa lambak
ng NILE sa mga kaangkan o ninuno ng lipunang ito
HEOGRAPIYA NG EHIPTO
Upang maintindihan ang heograpiya ng sinaunang
ehipto, LAGING ISIPIN NA ANG SINASABING LOWER
EGYPT ay ang parteng norte ng rehiyon at dito umaagos
sa ILOG NILE hanggang sa MEDITERRANEAN SEA. Habang
ang UPPER EGYPT naman ay matatagpuan sa timog na
bahagi mula sa LIBYAN DESERT PATUNGONG ABU
SIMBEL. Nanggaling sa katimugan hanggang hilaga ang
pag-aagos ng ilog nile na may kahabaang 6 694 kilometro
( 4 160 milya)
Ang rehiyon ay lubos na sanang maging disyerto kung
wala ang ilog na ito, kaya dati paman tinagurian na bilang
THE GIFT OF THE NILE ANG EHIPTO. Pinagbuklod ng ilog
na ito ang parteng hilagang silangan ng disyerto ng
Africa.
Noon paman, sa pag sapit ng buwan ng HUNYO ay labis
na pag daloy ng tubig sa ilog dahil sa sobrang ulan sa
dakong pinanggalingan ng NILE noon 1970. Natigil ang
pag apaw ng NILE nang dahil sa ipinagawang ASWAN
HIGH DAM para makapagsuplay ng kuryente at
mapahusay ang sisteme ng pagtubig
Ang taon- taon na pagbaha ng NILE ay nagkaloob ng
biyaya sa mga magsasaka sa lambak ilog noong
PANAHONG NEOLITIKO. Nag hatid ng banlik sa lupa ang
pag apaw na nag pa buti sa pag sasaka.
ANG KABIHASNAN SA MESOAMERICA
May migrasyong naganap ng mga grupo mangangaso o
HUNTER SA ASYA papuntang HILAGANG AMERICA. Ang
kanlurang dalampasigan ng Hilgang amerika papuntang
habagatan ay dahan dahang binagtas ng grupo, at
nakapagtayo ng hiwa hiwalay na paninirahan sa malaking
lupain ng HILAGANG AMERIKA at TIMOG AMERIKA
Pag dating ng ika – 13 siglo BCE, ang mga OLMEC na nasa
MEXICO ngayon ay ang pangunahing sibilisasyon na
lumitaw.
Ang pangalang MESOAMERICA O CENTRAL AMERICA AY
GALING SA SALITANG MESO NA ANG IBIG SABIHIN AY
GITNA. Matatagpuan ang lupaing ito sa pagitan ng
SINLOA RIVER VALLEY SA SENTRO NG MEXICO AT GULF
OF FONSECA SA KATIMUGAN NG EL SALVADORM. ANG
ILOG NG PANUCO AT SANTIAGO AY MAKIKITA SA
HILAGANG DULO NITO
Matatagpuan naman ang katimugang dulo mula sa
dalampasigan ng HONDURAS SA ATLANTIC patungo sa
TAGAYTAY O SLOPE NG NICARAGUA SA COSTA RIVER.
SAKLAW NGAYON SA REHIYONG ITO ANG MALAWAK NA
PROPORSYON NG BANSAN MEXICO, GUATEMALA, BELIZE