PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date APRIL 2024
Email: 304837@[Link]
Page No.
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10
Ikaapat na Markahan
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa
kahalagahan ng pagkamamayan at pakikilahok sa mga
gawaing pansibikotungo sa pagkakaroon ng isang
pamayanan at bansang maunlad, mapayapa, at may
pakakaisa.
B. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Natatalakay ang mga epekto ng pakikilahok ng
mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa
kabuhayan, politika, at lipunan.(MELC 3)
C. Inaasahang Bunga Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
1. Nasusuri ang kahulugan at katuturan ng political
socialization;
2. Nasusuri ang epekto ng mamamayan sa mga
gawain at usapin pampolitika. (AP10ICC-IVh-9)
3. Naipaliliwanag ang mga anyo at halimbawa ng
partisipasyong politikal ng mga mamamayan sa
paglutas sa mga suliraning panlipunan at pakikilahok
sa mga gawain at usaping pansibiko; at (AP10ICC-IVi-
10)
4. Naipapahayag ang saloobin sa mahahalagang
isyung pampolitika na kinakaharap ng sariling
pamayanan at bansa. (AP10ICC-IVj-11)
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA “Pakikilahok sa mga Gawaing Politikal (Political
Socialization)”
[Link] Lopez, Jodi Mylene M., [Link]. (2015). Araling
1. TG at LM, Teksbuk panlipunan sa makabagong siglo: mga
2. LRMDC Portal kontemporaryong isyu 10. Chino Roces Avenues,
Makati City: Don Bosco Press, Inc.
C. Balangkas ng Aralin: Ang Pakikilahok sa mga Gawaing Politikal o Political
Socialization
D. Kagamitan: Laptop, Modyul, Mga larawang akma sa paksa,
Projector/Television, Kagamitang Biswal
Indicator 8
III. PAMAMARAAN
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date APRIL 2024
Email: 304837@[Link]
Page No.
A. Panimulang Gawain
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
a. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin na Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu santo,
pangungunahan ni Rienavel De La Calsada Amen. Panginoon naming Dyos, patnubayan nyo po
kaming lahat sa araw na ito na magampanan ang
aming mga tungkulin bilang mag-aaral, Gabayan nyo
po kami at kalingahin sa pagtupad ng aming
tungkulin. Tulungan nyo po kami sa aming gagawing
mga desisyon. Pagpalain nyo po ang aming mga guro
sa kanilang araw-araw na paghahatid ng leksyon at
pagbabahagi ng kanilang kaalaman. Pagpalain nyo rin
po ang aming mga magulang sa patuloy na
pagsuporta at pag-aalaga sa amin. Maraming salamat
po sa lahat ng biyaya at pagpapala sa amin. Ikaw
lamang ang aming sandigan at kalakasan. Amen.
Maraming salamat.
b. Pagbati
Magandang umaga mga mahal kong mag-aaral? Magandang umaga Ginang Fakih. Magandang umaga
Bago magsiupo, tingnan kung maayos ang mga silya at mga bisita.
walang mga kalat na bsura sa ating silid.
Indicator 5
c. Pagtsek ng atendans
Angel, mayroon bang lumiban sa klase? Ayon sa ating Angel : Wala pong lumiban sa klase Ma’am.
nakasanayan, ibigay mo nalang ang listahan.
Mahusay!
c. Balik-aral
Naaalala niyo pa ba ang tinalakay natin noong nakaraang Opo Ma’am, sagot ng mag-aaral
tagpo? Ano ang tinalakay natin sa nakaraang tagpo?”
Napakahusay, malinaw pa sa iyong isipan ang ating Ang ating huling talakayan ay tungkol sa mga
nakaraang talakayan. Karapatang Pantao.
Sa araw na ito magkakaroon tayo ng talakayan. Handa na Sasagot ang mga mag-aaral at iisa-isahin ang mga
bang making ang lahat? karapatang pantao.
Opo Ma’am, handa na kami.
d. Pagganyak
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date APRIL 2024
Email: 304837@[Link]
Page No.
NDRRMC INTEGRATION
Tanong: Ano ang inyong nakikita sa larawan? “Ang nakikita ko po sa larawan ay imahe ng kahirapan
sa Pilipinas.”
Ano ang inyong nararamdaman at naiisip sa nakita niyo
sa larawan? “Ang Pilipinas ay nananatili pa ring isa sa mga
mahihirap na bansa.”
“Ito ay pumukaw ng aking atensiyon at malaki ang
aking pag-asang makakaahon ang Pilipinas sa
Sa palagay ninyo may kinalaman ba ito sa kalagayang kahirapan.”
politikal ng bansa? Bakit oo at bakit hindi?
Indicator 3 “Opo. May kinalaman po ito sa sitwasiyong
politikal ng bansa dahil kung walang tiwali, walang
mahirap.”
Ano ang naiisip niyong mga solusyon kung paano lutasin “Ako po ay mag-aaral nang mabuti upang lubos
ang mga suliraning panlipunan na inihayag sa larawan? ang aking kaalaman sa pagpili ng lider sa araw ng
eleksiyon.”
Kilalanin ang mga sagot ng mag-aaral at bigyan ng
konklusyon ang pagganyak upang maiugnay ito sa
political socialization.
Tanungin ang mga mag-aaral “Ano ang political
socialization?” Hayaan muna itong hindi masagot.
Ipaalala sa mga mag-aaral na itatanong mo ulit ito
pagkatapos ng pagtatalakay sa kahulugan ng political
socialization.
B. Panlinang na Gawain/Proseso
a. Paglalahad
Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay
“Political Socialization”.
Indicator 1
b. Pamantayan
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date APRIL 2024
Email: 304837@[Link]
Page No.
Bago tayo magsimula, ano ang gagawin ng mabuting Makinig nang mabuti, huwag mag-ingay.
mag-aaral habang nagtatalakay ang guro?
c. Pangkatang Gawain
“TAYUPO”
Papangkatin ko kayo sa walong grupo.
Indicator 4
Ang bawat grupo ay TATAYO kung ang pahayag ay may
kinalaman sa partisipasyong politikal at UUPO kung ang
pahayag ay walang kinalaman.
Bawat tamang sagot ay makakatanggap ng isang puntos
(1 puntos).
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date APRIL 2024
Email: 304837@[Link]
Page No.
Grupong makakakuha ng maraming puntos ay ang panalo
sa gawaing ito.
Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon:
1. Panonood ng sine UPO
2. Pakikiisa sa political online discussion TAYO
3. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods UPO
4. Pagtatanim sa mga gilid ng kalsada UPO
5. Panonood ng TV sa tuwing may SONA TAYO
6. Pakikibahagi sa mga talakayang politikal TAYO
7. Nagboboluntaryo na tumulong sa maralita UPO
8. Pagdalo sa taonang asembleya ng barangay TAYO
9. Pagtitinda upang kumita UPO
10. Pagpapakain sa mga batang lansangan UPO
11. Pagsali sa rali o kilos protesta TAYO
12. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan TAYO
13. Pagsusulat sa diyaryo hinggil sa usong damit UPO
14. Pagbabasa, pakikinig, at panonood ng mga balitA TAYO
15. Umalis ng bansa upang manilbihan sa ibang UPO
bansa
16. Paghalal ng mga manunungkulansa pamahalaan TAYO
17. Pagdalo sa pagpupulong ukol saisyung politikal TAYO
18. Pagbuo ng liga para sa palaro sainyong barang UPO
19. Pag-ban ng Palawan government sa mining TAYO
industry
20. Pakikilahok sa paligsahang pampalakasan o isip UPO
P.E INTEGRATION
d. Pamprosesong mga Tanong
Ano ang kahulugan ng Political Socialization?
Ano ang Partisipasyong Politikal?
Ito ay tumutukoy sa anyo ng interaksyon ng
indibidwal na walang pinipiling kasarian sa mga
gawaing politikal ng lipunan.”
Gender Equality
Anu-ano ang mga halimbawa ng partisipasyong politikal?
Ito ay nangangahulugang aktibong pakikilahok
Indicator 6 ng mamamayan sa mga gawaing politikal ng bansa.”
Ang mga halimbawa ng partisipasyong politikal ay:
(1) ang pagsali sa gawaing eleksyon,
(2) partisipasyon sa mga usaping pampolitika sa
pamamagitan ng pagbabasa, pakikinig, at panonood
ng mga balita mula sa tradisyonal at makabagong
media,
(3) pakikibahagi sa mga talakayang politikal,
(4) pakikinig sa mga talumpating politikal,
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date APRIL 2024
Email: 304837@[Link]
Page No.
(5) pagdalo sa mga pagpupulong na tumatalakay
sa mga isyung pampolitika,
(6) pagsulat ng petisyon o liham sa mga
pampublikong opisyales at pinunong politikal bilang
pagtutol sa panukalang batas na hindi nakabubuti sa
kapakanan ng nakararami,
(7) pagpapahayag ng pasasalamat at pagsuporta
sa mga proyekto ng pamahalaang naisakatuparan at
nakabuti sa kalagayan ng bawat mamamayan o
partikular na sector ng lipunan,
(8) pagtataguyod at pagbibigay ng donasyon sa
mga grupong politikal na nagtataguyod ng kabutihan
sa lahat,
(9) pananaliksik at pagsagap ng mga
impormasyon ukol sa mga usaping pampolitika sa
loob at labas ng bansa,
(10) pagpapalaganap ng mga gawaing
pampolitika, at
(11) pagtataguyod ng kampanya at adbokasiya
para sa mabuting pamamahala.”
C. Pag-unawa
a. Paglalahat
Ano ang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga “Bilang resulta ng pakikilahok sa gawaing politikal,
gawaing politikal sa ating lipunan? ang mamamayan ay:
(1) nakatatamo ng kaalaman tungkol sa
sistemang politikal at sa kung paano ito kumikilos.
(2) natutong yakapin ang ideolohiya ng politika
sa lipunan at kanilang mauunawaan ang kabuluhan
nito sa kanilang pamumuhay.
(3) magkakaroon ng kamalayan tungkol sa
gampanin ng mga aktibong mamamayan at
pakikibahagi sa gawaing pampolitika
b. Pagpapahalaga
“Sa pakikilahok sa mga gawaing politikal nagiging
Ano ang importansya ng pagkakaroon ng kooperasyon ng malakas ang puwersa sa pagtamo ng ganap na
mamamayan at pamahalaan sa paglutas sa mga transpormasyon at kaunlarang panlipunan ang sama-
suliraning panlipunan? samang pakikibahagi at pagkilos ng lahat ng sektor ng
lipunan
Ano ang kahalagahan ng political socialization? Ano ang ”Mahalaga ang pag-aaral ng political socialization
kahalagahan ng pagtataguyod nito? dahil:
Indicator 9 (1) binibigyan tayo nito ng kaalaman patungkol
sa mga nangyayare sa paligid natin.
(2) Nagkakaroon tayo ng pakialam sa mga bagay-
bagay na may kinalaman sa politika.
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date APRIL 2024
Email: 304837@[Link]
Page No.
(3) Nagiging mausisa tayo, mapanuri, at
mapagmatyag.
(4) Sa pakikialam natin sa isyung politikal
nagkakakilanlan ang bawat isa maging ito man ay
kaisa o katuligsa sa isyung ipinaglalaban, isang paraan
nang malayang pakikibahagi at pagkilos para sa
pagbabago at ikauunlad ng bayan.
(5) Nagiging maayos ang pamamahala ng
gobyerno dahil nagtataguyod ito ng pagkakabuklod
ng mga tao sa pamayanan.”
D. Produkto Ebalwasyon/Pagkikilatis
TAMA O MALI
Basahin nang mabuti ang sumusunod. Isulat ang salitang
TAMA kung ang pahayag ay may kinalaman sa
partisipasyong politikal at MALI kung hindi wasto. Paalala
lamang, isulat ang mga sagot sa MALAKING TITIK.
1. Pagbebenta ng overprice na produkto. MALI
2. Pangangampanya sa programa ng gobyerno. TAMA
3. Pinapauna sa pila dahil may kakilalang MALI
empleyado.
4. Pagbasa sa panukalang batas bago TAMA
magpahayag ng saloobin.
5. Pagkuha ng lisensya at permit kahit kulang MALI
ang requirements.
6. Pagbibigay ng lagay, padulas o kotong sa mga
taong nagkasala. MALI
7. Pag-award ng kontrata kahit mababa ang
kalidad ng materyales. MALI
8. Pananaliksik sa katauhan ng kandidato sa
paparating na eleksyon. TAMA
9. Pagpuna sa proyekto ng barangay na ilang
taon nang hindi natatapos. TAMA
10. Panonood ng 24 Oras batay sa bagong
patakaran ng gobyerno patungkol sa COVID TAMA
IV. Takdang Aralin
PANANALIKSIK
Gampanan ang gawain at humanda sa pag- uulat sa
susunod na pagkikita:
1. Manaliksik ng balita o artikulo sa mga usapin o
suliraning panlipunang kinakaharap ng ating bansa.
Gupitin at idikit ito sa isang buong papel. Sagutan ang
mga sumusunod:
1.1. Sino ang may-akda ng balita o artikulo?
1.2. Anu-ano ang ideyang inilalahad ng balita o
artikulo?
1.3. Ano ang iyong reaksiyon o saloobin ukol sa balita
o artikulong binasa?
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date APRIL 2024
Email: 304837@[Link]
Page No.
1.4. Anong pagkilos ang iyong gagawin bilang tugon
sa isyu o suliraning inilahad ng balita o artikulo?
1.5. Kung pagbibigyan ka ng pagkakataong payohan
ang President ng Pilipinas kung paano tutugonan ang
isyu o suliraning inilalahad ng artikulo, ano ang
sasabihin mo? At bakit?
Rubrik ng Pananaliksik
Kriterya Deskripsyon Puntos
Ang pangunahing
Kaalaman sa kaalaman ay
10
Paksa nailahad
at nagampanan
nang
mahusay ang
gawain.
Organisado,
maayos, at
Organisasyo 5
malinis ang
n
presentasyon ng
gawain.
Nakasunod sa
Panahon 5
tamang
oras ng paggawa.
Kabuuang Puntos 20
Indicator 2
PREPARED BY: CHECKED BY: VALIDATED BY: NOTED BY:
NERISSA E. FAKIH NOVERITA T. ABUEL RONIE E. TUMBAGA, EdD DANTE M. OROZCO
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date APRIL 2024
Email: 304837@[Link]
Page No.
Subject Teacher MT-I Head Teacher III Principal I