HI GUYS!
[OPENING SCENE: BLACK SCREEN + TRANSCRIPT]
Kurt: Pambansang kaunlaran, kailan nga ba matatamasa?
[SCENES 1: SHOWCASING THE BEAUTY OF SAN JOSE WITH MUSIC]
[SCENE 2]
Kristine: Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa isang bansa ay mahalaga upang matukoy kung ano-
ano ang mga pangangailangan nito. Ngunit paano nga ba tayo makakakalap ng mga impormasyon upang
magkaroon ng pagbabago?
Kurt: (Papasok sa scene) Kristine, tapos mo na ba ‘yung iniatas sa ating pananaliksik?
Kristine: (Haharap sa screen) Tama, sa pamamagitan ng pananaliksik! (Maglalakad) Ang pananaliksik ay
isang sistematikong proseso ng pagtuklas na naglalayong magbigay ng sagot at solusyon sa lipunan.
Pero! Hindi lahat ng pananaliksik na nailabas sa publiko ay mapagkakatiwalaan, dumadaan muna ito sa
napakahaba’t napakaraming hakbang! Ang pagkolekta ng datos, pagsusuri, hanggang sa makapagbigay
ng isang makabuluhang konklusyon.
[SCENE 3: BLACK SCREEN + TRANSCRIPT]
Ano nga ba ang mga dapat ang mga dapat na pagtuunan ng pansin na mga isyu ng Pilipinas na maaaring
masolusyonan ng pananaliksik?
[SCENE 4: POV: PHILIPPINES AT MID-1980S]
Roma: Narinig mo ba ‘yung balita kagabi? Umakyat daw ng 17.2 bilyong dolyar ang utang ng Pilipinas!
Kristine: Hala weh? Maaga kasi akong nakatulog kagabi, sabi ni Inay, hindi raw lumalaki ang mga hindi
maagang natutulog.
Roma: (Sasamaan ng tingin si Kristine) Talaga ba?
[SCENE 5: PRESENT TIME, MAGFILM NG NANGUNGUTANG AND NAGSISINGIL SCENES AS WELL AS KURT
TALKING]
Kurt: Sa news release ng Japan Research Institute, pinahayag nito na noong mga nakaraang dekada ay
nakapokus ang atensyon ng lahat sa Asya sa kadahilanang ito ang pinakamabilis umusbong na rehiyon sa
mundo. Nabansagan pa nga ang pangyayaring ito bilang, “Asian Miracle.” Pero noong 1997, maraming
Asyanong bansa ang biglaang bumagsak ang ekonomiya—isa na rito ang Pilipinas. Mahuhulaan mo ba
kung anong bansa ang binansagang, “The Sick Man of Asia?”
Kristine at Roma: THE SICK MAN OF ASIA???
Kurt: Nakalulungkot sapagkat kahit na umuusad ang ekonomiya ng Pilipinas noon ay na nahikayat
tayong umutang, ito ay nagresulta sa…hindi kaaya-ayang bansag sa bansa.
Ayon sa pag-aaral ng ng ilang mag-aaral ng University of Mindanao [Jesson Sabado, Jezyl
Tagalog, Ellieza Sarmiento, at Arabella Gaquit] na naglalayong alamin ang epekto ng pangungutang ng
gobyerno para sa investment growth ng bansa ay sinabi nilang isa itong paraan upang umasenso ang
planong pag-eexpand ng ekonomiya at lipulin ang kahirapan. Maaari mong itanong, bakit kailangan pang
humiram kung mayroon namang tax para i-fund ang gobyerno? Hindi pa ba iyon sapat? Nangyayari ito
kung sakali mang hindi sumapat ang budget ng isang bansa upang matugunan ang ambisyon nitong
umunlad—hindi ito maiiwasan. Malaking problema nga lamang ang pagkakaroon ng external debt
sapagkat maaari itong maging dahilan ng pagkabaon sa utang na maghahatid sa pinansyal na krisis—mas
Malala pang kahirapan.
Roma: Kung gano’n, dapat ba ay hindi na tayo uutang at taasan na lang ang tax?
Kurt: Kung dadagdagan ang tax, paano pa tayo mabubuhay? Kagaya ng sabi ko, ang pangungutang ay
hindi maiiwasan.
[SCENE 6: GAWIN YUNG MGA MABABANGGIT NA ACTIONS OR FILM RELATED SCENES DON, KURT
VOICEOVER]
Kurt: Ang mga nahiram na budget ay dapat mailaan sa mga matitipid at teknikal na mga proyektong
maipatutupad (finance economically and technically feasible projects).
Mainam ding bumuo ang gobyerno ng key stakeholders katulad ng mga lokal na komunidad,
private sectors partners, at development partners upang maisiguro na ang mga planong proyekto ay
nakahanay sa mga pangangailangan at priyoridad ng mga tao. Kailangan din nilang maging tapat sa
mamamayan, magkaroon ng tinatawag na “transparency” sa paggamit ng pondo ng bansa. Hindi
magandang nababaon ang isang bansa sa utang, ‘di ba? Sabi nga nila, “Panis ‘yang feeling blessed mo
kapag bigla kitang siningil.”
[SCENE 7:
Roma: Jusko! Ang init!
Kurt: Hala, totoo! [Abutan siya ng water bottle na wala nang laman] Ay, naubos ko na pala.
Roma: Ang laking tulong, Kurt.
Kristine: [Mag-aabot ng flyer about climate change whatsoever] Hello po, isa po akong environmentalist.
Alam niyo po ba ano ang climate change?
Kurt: Hala si ate, ano kami? Pinanganak kahapon?
Kristine: Pasensiya na po, pero nais ko lamang po ng pagbabago. Umiinit na po ang mundo, mawawalan
tayo ng mga pangangailangan kung pinatagal at hinayaan natin ang pagbabago ng klima. Hayaan niyo po
akong magkalat ng impormasyon upang hindi na po iindain sa susunod na mga taon ang epekto ng
pagkamatay unti-unti ng kalikasan.
Roma: Ay… Tama siya, Kurt.
Kurt: Flyers lang? ‘Yun lang? Anong mababago ng flyers? Pumutol nga kayo ng puno para lang dito e.
Kristine: Kuya, what if basahin mo ‘yung laman?
Kurt: “Ikaw ay imbitado sa gagawin naming environmental degradation seminar bukas.”
Kristine: Punta po kayo ah? [Alis]
Kurt: Ano ba ‘yan, istorbo lang. Manood na lang ako ng cine bukas.
Roma: [Nalungkot]
[SCENE 8: MUNISIPYO/CLASSROOM, SOMEWHERE MAY MGA MANONOOD SINCE SEMINAR]
Roma: [Hinihila si Kurt] Tara na!
Kurt: Si Roma naman! Ayoko nga!!
Roma: Lilibre kita milktea pagkatapos, promise.
Kurt: [Hindi na nanlaban, nauna pa pumasok]
[SCENE 9: SA LOOB, NAKAUPO SINA KURT AND OTHERS, SI KRISTINE NASA HARAP]
Kristine: Magandang umaga po, maraming salamat po at dumalo kayo.
Kurt: [Iirap] Jusko, ang drama.
Roma: SHH!
Mga Tao: [Titingin kay Kurt
Kristine: Nais ko pong ipaalam sa ating lahat ang epekto ng hindi pagtatangi ng Inang Kalikasan.
[Bubuksan ‘yung parang folder] Sa isang conference paper na nahanap ko sa Research Gate, sinasaad
nila rito na isa tayo sa pinakamalaking dahilan kung bakit napababayaan ang ating kapaligiran.
Nararamdaman niyo ba ‘yung init ngayon?
Kurt: [Pawisan] Oo, teh! Baka gusto niyo magbigay ng tubig! [bigyan siya ng tubig]
Kristine: Isa iyon sa mga kinahitnatnan ng environmental degradation.
Kurt: Oo na! Ako na mali!
Roma: Kurt, nakakahiya, nakatingin na sila sa atin!
Mga Tao: [Magbulungan] (bigyan sila screen time)
Kristine: Pasensiya na po, pero making po muna kayo sa akin…
Ang environmental degradation ay resulta ng socio-economical, technological, at institutional na
mga aktibidad. Ang degradasyon ay nangyayari kapag napababayaan ang mga natural resources ng
mundo katulad ng tubig, hangin, at lupa. Nagrerelease sila ng mga chemical na hindi maganda sa tao
kapag unti-unti silang nade-deplete. Sinong makapagbibigay ng halimbawa ng pagpapabaya sa planeta?
Kurt: Jusko, ang obvious! [Tumayo] Deforestation, illegal na pagmimina, pagsasayang ng mga resources,
polusyon! Hala, huwag ako ang sinusubok mo, champion ‘to sa slogan noon. [Umupo]
Kristine: Maraming salamat po at congrats. Ngunit paano po ba naaapektuhan nito ang pag-unlad ng
isang bansa? Hindi ba’t nag-eexport tayo ng mga produkto? Katulad na lang ng mga saging, mangga, at
kung ano-ano pa. Sila ay bunga ng ating paghihirap, biyaya ng kalikasan, dahilan kung bakit ang
ekonomiya ng Pilipinas ay umuusad.
Alam niyo ba ‘yung Millenium Development Goals ng United Nations?
Kurt: [Parang nagegets na]
Kristine: Kinilala nito na ang kapaligiran o ang kalikasan at ang pag-unlad ng tao ay kapwa nagpapatibay
sa development goals, kung saan nais nitong makapagbigay ng pangangailangan sa bawat isa. Uunlad ba
ang tao kung may mga polusyon at mga kalamidad na dala ng pagbabago ng klima? Hindi aangat ang
ekonomiya o ang bansa kung ang tao at ang kalikasan ay may alitan. Matuto po sana tayong
pahalagahan ang ating planeta.
All: [Papalakpak]
[SCENE 10: NAGTATANIM SI KURT HAHAAHAH TAPOS MAY PLASTIC NA PUNO NG PLASTIC BOTTLE SA
LIKOD NIYA]
Roma: Kurt? Anong ginagawa mo?
Kurt: Nagtatanim, nabasa ko sa website ng UN kanina, “Climate change is disrupting national economies
and affecting lives and livelihooods, lalo na ‘yung mga mahihirap.” Napagtanto ko na maraming
maaapektuhan kung walang kikilos. Mapupunta tayo sa panganib kung hinahayaan lang natin ‘yung
nangyayari, babagsak ang ekonomiya, tapos baka mamatay tayo sa gutom. Gusto ko pa muna maglakad
sa runway bago mangyari ‘yon.
[SCENE 11: SHOOT A SCENE NA MGA TAO, THEN FLASH SA FOLLOWING SCENES]
Roma: [Kantahin yung nasa commercial and recreate]
[SCENE 12]
Roma: Paano nga ba nakaaapekto ang kakulangan ng kaalaman sa pagpaplano ng pamilya? Ang unang
pinupuntirya ng poor family planning ay ang pinansiyal na kakayahan ng dalawang indibidwal na
nagsasama. Ayon sa pananaliksik nina Zosa, Feranil, at iba pa noong 2009, isinaad nila na ang pagtuturo
ng pagpaplano sa pagbuo ng pamilya ay makatutulong upang umusad ang kalusugan ng mga ina at anak.
Hindi lamang iyon, matutulungan din nito na maiwasan ng bawat pamilyang Pilipino ang kahirapan.
Kurt: Huy, Roma, may family planning program daw mamaya barangay natin. Tara na.
Roma: [Ngitian ‘yung camera, then bye!!]
[OUTRO]
GO, KURT!!!
BASHIR BASHIR WAG MU AKU PAKIALAMAN