Ang Talata
Katuturan
Ang talata ay isang lipon ng mga pangungusap na bumubuo ng isang kaisipan. Ito ay
binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay upang makbauo ng isang tampok na ideya.
Kahalagahan
Ito ay isang maikling katha o komposisyon na binubuo ng mga pangungusap na
magkakaugnay, may balangkas, may layunin at pag-unlad ng kaisipan na nakasaad sa
pinakapamaksang pangungusap.
Ang layunin ng isang talata ay makapghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga
pangungusap na magkakaugnay.
Bahagi ng Talata
1. Panimulang Pangungusap – ito ay dapat makatawag pansin at makahikayat sa
mambabasa upang magtanong ukol sa paksa at tuluyang basahin ang talata.
Kailangan di nitong ipahiwatig ang nilalaman ng talata.
Paraan sa pagsisimula ng talata
1. Maaaring simulan ang talata sa pamamagitan ng isang tanong.
Hal. Ano ang ngiti? Ang ngiti ay isang hiwaga at isang palisipan.
2. Maaaring simulan sa pamamagitan ng isang pangungusap na makatawag pansin.
Hal. May dalawang mukha ang buhay ng tao, parang sagang kabilanin – ang isang panig
ay pula ang kabila ay itim.
3. Maaaring simulan sa pamamagitan ng isang sipi.
Hal. “Kayo ba ay mag-aaral sa lahat ng panahon? Mayroon na bang nakapagtanong sa
inyo nito o naitanong na ninyo sa inyong sarili? “
Mula sa Íba’tibang Panahon sa Buhay ng Mag-aaral – Imelda C. Pineda
2. Gitnang Pangungusap – Ang pangungusap na kaugnay at kasunod ng panimulang
pangungusap. Ito ang bumubuo sa pinakakatawan ng talata.
3. Pangwakas na Pangungusap – ito ay nagbibigay ng buod sa talata. Nagbibigay ito ng
huling detalye, opinyon, at palagay sa paksa ng talata.
Uri ng Talata
Panimulang Talata – ito ay magsimulang nalalaman o nagkaroon ng punto na may
kinalaman sa paksa at kung saan ito patungo
Talatang Ganap – ito naman ay ikinabit ng mga puntong nagtutulak sa pangunahing diwa
para mas lalong maintindihan ng mambabasa.
Talatang Paglilipat Diwa– ito ay sinasama o kinukuha ang mga nasabi nang ideya sa mga
nauna.
Talatang Pabuod– ito naman ang panghuli na kung saan nabibigay ng linaw sa buong
talatang nabasa.
Mga gabay sa Pagbuo ng Talata
1. May pamaksang pangungusap na magiging patnubay sa pagbuo ng mga talata.
2. May kaugnayan ang pangungusap sa paksa.
3. Sikapin ang mga pangungusap ay nagkakatulong-tulong sa pagbuoo ng siang
pangunahing kaisipan na isinasaad sa pamaksang pangungusap.
4. Panatilihing malinaw at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap.
5. Gumamit ng maiksing pangungusap sa pagpapahayag ng simbuyo ng damdamin upang
maging mabisa ang pahayag.
6. Ang buong tuwirang sipi at ang mga salitang kasama nito ay kasama sa isang talata.
7. Sikaping magkaroon ng tatlong bahagi ang talata – simula, gitna, at wakas.
8. Sulatin ang talata nang malinaw, maayos, at wasto.
Mga Katangian Dapat Taglayin ng isang Talata
1. Nagtataglay ng isang pamaksang pangungusap.
2. Nagtataglay ng isang kabuuan ng mga kaisipan at hindi kaputol o bahagi lamang.
3. May kaisihan tungo sa isang layunin.
4. Nagtataglay ng buo at nagkakaugnay na ideya na maayos ang pagkakasunod-sunod.
Mga hakbang sa Pagsulat ng Talata
1. Ituon ang konsentrasyon sa napiling paksa.
2. Itala ang lahat ng ideya pumapasok sa isipan at may kaugnayan sa paksa. Piliin ang mga ideyang
isasama.
3. Huwag gaanong magtagal sa pag-iisip ng mga ideyang isusulat. Itabi muna pansamatala ang
papel.
4. Muling balikan ang pagtatala pagkalipas ng sapat na panahon.
5. Piliin ang mga halimbawa, ideya, at datos na higit na nakatutulong sa
pagtalakay sa paksa.
Epektibong Pagsulat ng Komposisyon
Ang komposiyon ay paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay
interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran, at puna sa mga nabasang akda o napanood na
pagtatanghal. Itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat ang komposisyon.
Ang pagsulat ang pagsasatitik ng mga pahayag, ideya, kaalaman, iniisip, at nadarama na
may tiyak na layunin. Ito ay gumagamit ng isang tiyakang pamamaraan upang makabuo ayon sa
istilo ng grammar batay sa mga tuntunin ng wikang ginagamit.
Ang gawaing magsulat ay hindi biro. Nangangailangan ito ng disiplinang mental at
mataas na antas ng kaalamang teknikal at pagkamlikhain, gayundin ng sapat na kasanayan.
Masasbing ang pagsulat ng komposisyon ay isang sining sapagkat ito ay naituturo at
napag-aaralan. Ang layunin ay maaaring nagsasalaysay, naglalarawan, naglalahad, o
nangangatwiran.
Mga Gabay na Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Komposisyon
1. Paksa – Ito ay nalalaman o ang kalamnan ng isang komposisyon. Nararapat na ito’y
kapupulutan ng aral at magbibigay ng mabuting halimbawa sa mga mambabasa.
2. Pamagat – Lahat ng akda kailangang may pamagat na magiging gabay sa nilalaman ng
komposisyon. Maaaring ito ay: pinakdiwa ng komposisyon, ang pinakmahalagang bagay
sa komposisyon, ang mahalagang pook o tagpuan, o mula sa pangalan ng mahahalagang
tauhan.
3. Kaisahan – Tiyakin ang kaisahan sa diwang ipinahahayag at maayos ang kawil ng mga
pangyayari. Kailangang lumutang ang kaisahan ng diwa sa komposisyon. Iwasang
bumanggit ng kaisipang maglalayo sa paksang diwa.
4. Pagkakaugnay – Maingat na isaayos ang kawil ng mga pangyayari upang huwag mawala
ang kaugnayan ng bawat isa, nang sa gyon ay tuluy-tuloy ang daloy ng kaisipan.
5. Diin – Sa Pagbuo ng isang sulatin, ang diin ay siyang dapat mangibabaw.
Hal. Kagimbal-gimbal na aksidente ang kanyang nasaksihan.
Mga Bahagi ng Komposisyon
1. Panimula – Ito ang karaniwang hinuhusgahan ng mga mambabasa, kung itutuloy nila
ang kanilang pagbasa o hindi. Kung kayat dapat maging kaakit-akit ito upang maganyak
ang babasa.
Mga Uri ng Panimula
a. Isang Pambungad na Salaysay – Maaaring halaw sa pahayagan, balita at iba pa.
b. Isang makatawag pansin – Maaaring masaya, nakatatakot o kagimbalgimbal
c. Tanong panretorika – mga katanungan na naghahanap ng katotohanan at
kaaya-ayang kasagutan
d. Isang sipi – maaaring bahagi ng awitin, tula, kasabihan at sanaysay ng isang
kilalang manunulat
2. Katawan o nilalaman – ito ang pinakasentrong bahagi ng paglalahad sa
isang sulatin. Kailangan maingat na maihanay ang takbo ng mga pangyayari
na may maliwanag na kaugnayan sa isa’t isa.
3. Wakas – Ito ang huling bahagi ng isang sulatin na kinakailangang gumising
sa diwa ng mambabasa.
Mga Uri ng pagwawakas
a. Patanong
b. Pabuod
c. Pagkuha ng mga sipi