Suring Basa
I. Pamagat
” Banaag at Sikat”
II. May Akda Isinulat ni Lope K. Santos
III. Mga Tauhan
- Felipe - Isang anarkista
- Delfin - Isang sosyalista
- Don Ramon - Ama ni Talia at Meni
- Meni - Anak ni Don Ramon
- Talia - Kapatid ni Meni
- Yoyong - Asawa ni Talia
IV. Buod
Ang “Banaag at Sikat” ay isang nobelang piksyon na isinulat ni Lope K. Santos
1906 na lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina
Felipe at Deflin. Si Felipe ay isang anarkista na gustong mawala ang mga hari, alagad
ng patas at magkapantay pantay ang karapatan ng mga mayayaman at mahihirap. Kaya
naman itinuro niya sa mga mahihirap at mga alipin ang kanilang mga karapatan na
naging dahilan upang itakwil sya ng kanyang malupit na ama. Si Delfin naman ay isang
sosyalista na hindi hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit tulad ng adhikain ni
Felipe ay tutol din sya sa marangyang pamumuhay. Nais ni Felipe ang maagang
pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan,
samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang
mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa
pamamagitan ng gradwal na pagpasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga na sina Talia at Meni. Si Meni
ang katipan ni Delfin, ngunit si Don Ramon ay tutol sa kanilang pag iibigan ng dalawa
dahil, si Delfin ay isang maralita at sosyalista. Hindi nagtagal, nagbunga ang
pagmamahalan ng dalawa na angresulta upang itakwil ni Don Ramon si Meni at bawiin
ang lahat ng ipapaman anito sa anak. Nagtiis si Meni sa maralitang buhay kasama si
Delfin matapos itong itakwil ng ama. Dahil sa kahihiyan sa ginawa ng anak, umalis ng
bansa si Don Ramon at nagpunta sa iba’t ibang bansa sa Estados Unidos at Europa
kasama ang paboritong utusan. Sa binyag ng anak ni Meni at Delfin, nabalitaan nilang
pinatay si Don Ramon ng kanyang paboritong utusan sa isang hotel sa New York.
pinatay si DonRamon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia.
Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali
ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. SNaalaala ni
Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama.
Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang
namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at
kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga
pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang
hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral.. Kailangang lumaganap ang
mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago
matamo ang tunay at lubos na tagumpay Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na
napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa
napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan
ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo. Sa kabila ng
pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang
pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang dilim ng
gabi."
V. Paksa
Pagkakaisa ng dalawang tauhan sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa paniniwala
sapagkat sila ay may iisang layunin na pagpantay-pantayin ang mga mayayaman at
maralita.
VI. Mensahe
Ang pagtrato nang tama at may respeto ay hindi lamang dapat ginagawa sa mga
mayayaman at may pera bagkus, ito dapat ay binibigay sa lahat ng tao, mapa-bata man
o matanda, lalaki man o babe, politiko man o hindi. Nararapat lamang na alam at huwag
nating kalimutan ang mga karapatan na ating dapat tinatamasa, ang paninindigan para
sa tama ay hindi kailanman matatalo ng salapi at kapangyarihan.
VII. Teoryang Ginamit
Teoryang Klasisismo
VIII. Reaksyon/Mungkahi
- Ang kwento ng “Banaag at Sikat” ay isang halimbawa na posible palang magkasundo
ang dalawang indibidwal na salungat ang pinaniniwalaan at prinsipyo sa buhay. Ang
pagiging anarkista ni Delfin at pagiging Sosyalista ni Felipe ay hindi naging hadlang
upang sila ay maging matalik na magkaibigan bagkus, ito pa ay naging instrumento sa
pagpapalawak at pagbubukas ng isip ng isa’t - isa.