ARALIN 4
ANG MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN
Kakabit ng buhay na ipinagkaloob sa tao ay ang kapangyarihang pamahalaan ito, ito ay ang
katangian ng kilos-loob ng tao … ang KALAYAAN
Kalayaan (Santo Tomas de Aquino)
Ang Kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa
maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.
Kalayaan
Nangangahulugan ding paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o karapat-
dapat niyang sabihin anumang bagay na nais niyang sabihin.
Ang kalayaan ay kakambal ng responsibilidad o may kasunod na PANANAGUTAN.
Dalawang Pakahulugan ng Pananagutan na Nakakaapekto sa Ideya ng Kalayaan
1. Malayang kilos ay kilos na “Mananagot ako”.
2. Kakayahang tumugon sa obhektibong tawag ng sitwasyon
Aspekto ng Kalayaan
1. Kalayaan mula sa (Freedom from)
Kakayahang nagmumula sa loob ng tao
2. Kalayaan para sa ( Freedom for)
Makita ang kapwa at mailagay itomg una bago ang sarili
Dalawang Uri ng Kalayaan
1 .Malayang pagpili (free choice) o horizontal freedom
Ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kanya
(goods). Pinipili natin ang isang bagay dahil nakikita natin ang halaga nito sa atin
2. Fundamental option o vertical freedom
Ay nakabatay sa uri ng istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao
Dalawang Fundamental Option na bukas sa Tao
1. Pataas tungo sa mas mataas na halaga o ang fundamental option ng pagmamahal
2. Pababa tungo sa mas mababang halaga o ang fundamental option ng
pagkamakasarili (egoism)
Mga negatibong katangian at pag-uugali na kailangang iwasan para ganap na maging Malaya
a. Makasariling interes c. kapritso
b. Katamaran d. Pagmamataas
Mga kaisipan sa pagtugon ng tunay na Kalayaan
Ang karanasan sa buhay ay napahalagang kontribusyon sa sariling pagpili ng isang tao ng
angkop na kilos kung paano niya tutugunan ang isang sitwasyon. Nakapaloob sa kanyang
napiling gagawin ang kanyang kadakilaan.
Mga positibong pag-uugali na dapat taglayin kagaya ng pagmamahal, pag-ibig,
paglilingkod, atbp upang matugunan ang tunay na kalayaan.
Mga negatibong kaugaliang dapat iwasan ay ang pagiging sakim, ganid, mapang-api,
atbp dahil sagabal sa pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
Ang pagiging responsibilidad sa resulta ng kilos ay kalakip ng pagmamahal at
paglilingkod sa pagtugon ng kalayaan.
Ang pagmamahal ay isang panloob na kalayaan (inner freedom), ayon kay Johann.
Ang tunay na pagmamahal at paglilingkod ay pagkukusa hindi ito sapilitan at hindi
puwedeng ikaw ay diktahan.