0% found this document useful (0 votes)
661 views18 pages

3rd Week

Uploaded by

Michiiee Batalla
Copyright
© All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
661 views18 pages

3rd Week

Uploaded by

Michiiee Batalla
Copyright
© All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

EL FILIBUSTERISMO KABANATA 16: ANG MGA KAPIGHATIAN NG

ISANG INTSIK
Noon pa man ay malaki na ang bahagi ng mga Intsik sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa usapin
ng pagnenegosyo. Sila ang itinuturing na unang nakikipagkalakal sa ating bansa bago pa man
dumating ang mga Kastila. Ito rin marahil ang dahilan ni Rizal kung bakit niya ginamit ang katauhan
ni Quiroga na isang mangangalakal na Intsik sa kanyang nobela. Magkaganoon pa man, kung ikaw
ay isang mangangalakal, kailangan bang gumawa ng masama alangalang sa iyong pansariling
ikabubuti o kabuhayan?
Ngayon ay ating tuklasin ang buhay at kapighatian ni Quiroga bilang mangangalakal.
I. Mahahalagang Pangyayari
Halina’t tuklasin ang mahahalagang pangyayaring nakapaloob sa Kabanata 16 ng El
Filibusterismo. Maaari mo ring basahin ang kwento sa kabanatang ito sa mismong aklat na El
Filibusterismo upang makita ang pasalaysay na paglalahad ni Rizal.
 Ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ay naghahangad magkaroon ng konsulado
ang kanyang bansa kaya siya ay naghandog ng hapunan.

Tandaan: Ang mga sumusunod ay ang nagsipagdalo sa handaan ng Intsik:

a. Mga militar c. Mga suking mamimili e. Mga kilalang mangangalakal

b. Mga prayle d. Mga kasosyo at padrino f. Mga kawani ng pamahalaan

 Dumating si Simoun at nakipag-usap sa ilang mangangalakal na naroon kung saan


ay idinadaing ng mga ito ang mga suliranin sa kani-kanilang pabagsak na negosyo.
 Matapos iwan ang mga paladaing na kaumpukan, nakaharap ni Simoun si Quiroga
na biglang naging malungkutin ang mukha na dating palangiti.
 Ipinakita kunwa ni Quiroga sa asawa ang tatlong pulseras na may brilyante para
papiliin sa pinakagusto nito pero nagustuhan at itinago ito ng kanyang asawa.

Tandaan: 
a. Balak ibigay ni Quiroga ang purselas sa isang napakaganda at kahali-
halinang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki na kailangan niya ang impluwensya
sa kalakal na pagtutubuan ng Intsik ng 6,000 ang mga ito.
b. Natawa si Simoun sapagkat lugi nga ang Tsino dahil ang inaasahang kita
nito sa transaksyon ay 6,000 samantalang 9,000 ang halaga ng tatlong pulseras.

 Siningil ni Simoun si Quiroga subalit walang maipambayad ang Intsik kaya nagbigay
ng alok o suhestyon ang mag-aalahas.

Tandaan: 
a. Inalok ni Simoun si Quiroga na babawasan ng 2,000 piso ang utang kung
papayag umano ang Intsik na itago sa bodega ang mga armas na darating.
b. Si Quiroga ang nakapaglalabas ng anoman sa custom, pati armas sa mga
kumbento ay siya rin ang nagdadala kapalit ng malaking suhol sa mga pari.
c. Nahintakutan si Quiroga ngunit pumayag rin ito sa alok ni Simoun dahil sa
pangako ng alahero na ilalagay ang mga baril sa iba’t ibang bahay saka magkakaroon ng
pagrerekisa (inspeksyon) kaya maraming mabibilanggo.
d. Bahagi rin ng panukala ni Simoun na sila ni Quiroga ang magpapautang sa
mga magpipyansang nabilanggo kung saan ay tatagain nila ang interes.

 Nadatnan sa sala nina Simoun at Quiroga ang mga bisita na medyo tinablan na ng
iniinom na alak.

Tandaan: 
a. Pinag-uusapan ng mga kawani, ilang kaginangan at ni Don Custodio ang
komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo kung
saan ay tinutulan ng ilang ginang at isang balo na hindi nasisiyahan sa pensyon ang suhestyon ng
kawani
b. Naging sentro ng usapin nina Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Irene, Padre
Salvi at Juanito si Mr. Leeds at palabas nitong pugot na ulo
c. Tanging si Pelaez pa lamang ang nakapanood nito kaya may paghanga itong
nagkwento kung saan ay naririto ang naging reaksyon ng ilang nakikinig:
 Ben Zayb – naghahanap ng likas na pagpapakahulugan (agham)
 Padre Camorra – nagsasalita ukol sa demonyo
 Padre Irene – nangingiti
 Padre Salvi – hindi kumikibo

 Nagmungkahi si Simoun na panoorin ng pangkat ang palabas para malaman ang


totoo subalit ayaw nina Padre Salvi at Don Custodio na makipagsiksikan sa tao.

Tandaan:
a. Nag-alok si Ben Zayb ng kanyang impluwensya kung saan ay siya raw ang
bahalang makipag-usap kay Mr. Leeds upang walang ibang makapasok habang nanonood sila.
 
II. Karagdagang Kaisipan sa Pamamagitan ng Tanong-Sagot
Sa bahaging ito ay nais kong bigyang-pansin ang ilang kaisipan na makatutulong sa iyo upang
mapagwari ang ilang simbolismo o pahiwatig ni Rizal sa kabanata.

 Ano ang puna ni Rizal sa negosyo? kay Quiroga? Kay Simoun?


 Puna ni Rizal sa negosyo
a. Lahat ay maaaring gawin sa larangan ng pangangalakal na
pinatotohanan ng mga larawan ng mga Santo at ni HesuKristo sa bahay ni Quiroga na gawa raw ng
mga Hudyo sa Alemanya na mga walang paniniwala pagka-Diyos ni HesuKristo.

 Puna kay Quiroga at negosyo nito


a. Siya ay may mga silid ng nabibiling aliw sa likod ng kanyang basar at
dito kahit mga prayle ay nagtutungo sapagkat ‘di sila pinababayad ng Intsik.
b. Sa tulong ni Quiroga ay binalaan tayo ni Rizal sa panganib ng ating
pambansang kabuhayan sa kamay ng mga tusong Intsik kung saan niya ipinakita ang kabisaan ng
pagreregalo ng Intsik sa makapangyarihan at pagtataas ng bilihin para mabawi ang naipanregalo.

 Puna sa katauhan ni Simoun at negosyo


a. Binigyan tayo ni Rizal ng babala sa mga negoyanteng dayuhan na
may malaking kapit sa pamahalaan.

 Bakit nangingiti lamang si Simoun sa pag-uusap nina Don Timoteo Pelaez at


isa pang negosyante ukol sa pinalansag na bahay-pawid?
 Ito ay sa kadahilanang si Simoun ang may payo niyon sa Kapitan Heneral
upang madagdagan ang galit ng bayan sa bulok na pamahalaan.

 Bakit nangiti si Simoun nang dumaing sa kanya si Quiroga ukol sa negosyo


nito?
 Batid ni Simoun na ang mangangalakal na Intsik ay nagkukunwaring nalulugi
kapag kumikita at nagpapakitang-gilas kapag nalulugi.

 Ano ang layunin ni Simoun sa pagsasabi kay Quiroga na kung may mga kawal
at opisyal na nangungutang sa Intsik ay kay Simoun ituro at pautangin?
 Nais ni Simoun na magkaroon ng utang na tatanawin ang mga kawal sa
mag-aalahas na kailangan niya sa balak na paghihimagsik.
 
III. Suliraning Panlipunan
Kung pakasusuriin ang kaisipan, pananalita at sitwasyong inilahad sa mga pangyayari ng akda,
matutuklasan natin ang mga sumusunod na suliranin:
 Pandaraya sa kapwa
 Inflation ng mga bilihin
 Panggigipit sa kapwa
 
IV. Mahahalagang Pahayag ng mga Tauhan
Bawat tauhan ay may mahahalagang kaisipan na nagtataglay ng mga lihim na pahiwatig ng may-
akda. Kaugnay nito, naririto ang ilan sa mga pahayag na iyon at nais kong iyong isipin ang lihim sa
mga kataga ng mga tauhan.
 ““Alam ko, dumalo ka hindi dahil sa akin, kundi dahil sa aking inihanda.” – Quiroga
 “Upang ang mga tao ay mapasunod, dapat silang ipahiya nang harapan sa madla.” –
Simoun
 
Sa kabanatang ito ay natuklasan natin ang pagkatao at kasawian ni Quiroga. Dito rin natin
nasaksihan kung paano siya gipitin ni Simoun para lamang maisakatuparan ang layunin nitong
makapaghimagsik. Sa kabilang banda ay nakita rin natin ang negatibong naidudulot ng maling
pamamahala ng mga negosyante at kapitalista sa buhay ng mga mumunting mamamayan o mga
mamimili nito kaya mahalagang maging mapanuri at maalam upang hindi maloko ng iba.
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 17: ANG PERYA SA QUIAPO
Ang peryahan ay halimbawa ng magarbo at sobrang magastos na pagdiriwang ng mga Pilipino.
Ito ang minsang nagiging paraan ng ilang tao lalo na ng kabataan upang makapagliwaliw o
makapaglibang lalo na kapag kasama ang barkada. Ito rin ang minsang puntahan ng mga taong
nais mamili ng ilang produkto mula sa ibang lugar. Magkaganoon pa man, paano mo haharapin
ang iba’t ibang pangungutya ng tao sa iyong pinaghirapang sining o gawain kung isa ka sa
mga namamahala ng tindahan o palaruan sa perya? 
I. Mahahalagang Pangyayari
Halina’t tuklasin ang mahahalagang pangyayaring nakapaloob sa Kabanata 17 ng El
Filibusterismo. Maaari mo ring basahin ang kwento sa kabanatang ito sa mismong aklat na El
Filibusterismo upang makita ang pasalaysay na paglalahad ni Rizal.
 Malamig ang simoy ng hangin nang gabing iyon ng Enero noong magtungo
sa peryahan sa Quiapo ang labindalawang (12) galing sa bahay ni Quiroga.
 Ikinatuwa ng makamundong pari na si Padre Camorra ang mga
nasasalubong nilang magagandang dalaga lalo pa nang makita niya si Paulita.

Tandaan: 
a. Kasama ni Paulita ang kanyang tiyahin na si Donya Victorina at si
Isagani na naiinis sa bawat tumititig sa nobya.

 Nakarating ang pangkat nina Ben Zayb sa tindahan ng estatwang kahoy na


may iba’t ibang laki at hugis ng magkakaibang lahi ng tao at pagtatrabaho sa kapuluan.

Tandaan: 
a. Ilan sa mga estatwang nakita sa tindahan na inihambing sa mga
tauhan:
 Padre Camorra – Isang payat na prayle na anyong
nagninilay, nakaupo sa tabi ng isang mesa, nakasandig ang ulo sa isang palad at tila nagsusulat ng
sermon habang tanglaw ng lampara
 Ben Zayb – Isang matandang babaeng pisak, sabukot,
nakaupo sa sahig kagaya ng mga idolong Indio, at namamalantsa na pinamagatang La Prenza
Filipina
 Gwardiya Sibil – DDalawang sundalo na may tatak na mga
sibil ang nasa likuran ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay ng matibay na lubid at
natatakpan ang mukha ng sumbrero na pinamagatang Ang Bayan ng Abaka
 Quiroga at Padre Irene – Isang pigurang Tsino na kapag
pinagmasdang mabuti ay kamukha ng kura
 Simoun – Isang estatwang Indio-Ingles
b. Minaliit nila ang kakayahan ng mga Pilipino sapagkat may sariling
pamantayan ang pangkat sa sining tulad ng pitong ulo at apat na ilong.

 Natapos ang kabanata sa pag-uusap ng mga tauhan ukol kay Simoun na


hindi nila kasama at sa pag-alis ng mga tauhan sa tindahan ng estatwa na walang binili.

Tandaan: 
a. Ayon kay Padre Camorra ay napakakuripot ni Simoun at tila natakot
na siya ang pagbayarin sa pagpasok sa kubol ni Mr. Leeds.
b. Ayon kay Ben Zayb ay baka natakot si Simoun na matuklaan nila ang
lihim ng kanyang kaibigan na si Mr. Leeds.
 
II. Karagdagang Kaisipan sa Pamamagitan ng Tanong-Sagot
Sa bahaging ito ay nais kong bigyang-pansin ang ilang kaisipan na makatutulong sa iyo upang
mapagwari ang ilang simbolismo o pahiwatig ni Rizal sa kabanata.

 Anong kalinangang Pilipino ang binigyang-diin ni Rizal sa kabanatang ito?


 Isa itong talakay sa sining ng paglilok ng mga Pilipino sa mga anyo o larawan
na pinuri ni Rizal.

 Ano ang inilalarawan sa kathang “La Prenza Filipina”? sa “Ang Bayan ng


Abaka”?
 La Prenza Filipina
a. Tinutuligsa rito ni Rizal ang pamamahayag sa Pilipinas noon na
makaluma, hindi makatotohanan ang pagbabalita at iyong ibig lang paksain ang pinapaksa

 Ang Bayan ng Abaka


a. Inilalarawan dito ang pagdakip ng mga gwardiya sibil sa mga kaawa-
awang Pilipino kung saan abaka ang gamit na panggapos.

III. Suliraning Panlipunan


Kung pakasusuriin ang kaisipan, pananalita at sitwasyong inilahad sa mga pangyayari ng akda,
matutuklasan natin ang mga sumusunod na suliranin:
 Pagiging malaswa ng mga kaparian noon
 Pagiging salawahan ng isang katipan
 Pagmamaliit sa kakayahan ng iba
 
IV. Mahahalagang Pahayag ng mga Tauhan
Bawat tauhan ay may mahahalagang kaisipan na nagtataglay ng mga lihim na pahiwatig ng may-
akda. Kaugnay nito, naririto ang ilan sa mga pahayag na iyon at nais kong iyong isipin ang lihim sa
mga kataga ng mga tauhan.
 “Magandang dalaga. At ang mag-aaral na iyon pala ang kanyang iniibig. Mapalad
siya at wala siya sa aking Parokya.” – Padre Camorra
 “Hindi mo ba naisip na ang gumawa nito ay tuso? … Prensa ang ginagamit na
plantsa ng matanda at prensa rin ang tawag dito ng imprenta.” – Padre Camorra
 “Sa dulo, makikita ninyo na kaso ng optika ang lahat.” – Ben Zayb
 
Sa kabanatang ito ay iyong natuklasan na magmula noon hanggang sa ngayon ay dinarayo ang
perya ng iba’t ibang pangkat ng tao anoman ang katayuan nila sa lipunan. Magkaganoon pa man,
naipakita rin dito ni Rizal ang kanyang pasaring sa kalaswaan ng mga kaparian noong kanyang
panahon, ang mababang kalidad ng pamamahayag at kasawian ng mga Pilipino sa kamay ng mga
guwardiya sibil. Sa kabila ng lahat ng ito, huwag lilimutin na si Simoun na siyang nagyaya sa perya
ay biglang nawala sapagkat may malaki itong tungkulin sa susunod na mga kabanata. Kaya’t atin na
itong ipagpatuloy.

EL FILIBUSTERISMO KABANATA 18: MGA KADAYAAN


Isa sa mga kinagigiliwang palabas ng tao ay may kaugnayan sa mahika o mga optikal na ilusyon.
Isa sa mga dahilan nito ay ang nakamamanghang paglikha ng ilusyon na tila totoo sapagkat hindi
mahuli ng manonood ang ginagawa ng naglalahad. Kaugnay nito, paano nga ba nakaaapekto sa
buhay ng isang tao ang mga palabas na kanyang napapanood? Halina’t tuklasin kung paano
nakaapekto sa isang tauhan ang kanilang pinanood.
 I. Mahahalagang Pangyayari
Halina’t tuklasin ang mahahalagang pangyayaring nakapaloob sa Kabanata 18 ng El
Filibusterismo. Maaari mo ring basahin ang kwento sa kabanatang ito sa mismong aklat na El
Filibusterismo upang makita ang pasalaysay na paglalahad ni Rizal.
 Naging magalang ang pagtanggap ni Mr. Leeds sa mga dumating na gustong
makapanood nang libre at eksklusibo.

Tandaan:

a. Si Mr. Leeds ay isang Amerikano na magaling magsalita ng Kastila dahil


matagal na itong namalagi sa Timog-Amerika.
b. Madilim ang epekto ng telang itim na tumatakip sa buong bulwagan at
tanging mga antigong lampara at kandila lang ang nagbibigay ng liwanag.
c. May kilabot na hatid ang pagtatanghalan kaya natigil ang biruan at humina
ang boses ng mga nag-uusap na maging sina Don Custodio at Padre Salvi ay mahinay na nag-usap
kung dapat ipagbawal ang ganitong klase ng palabas.

 Bago magsimula ang palabas ay nagsiyasat muna si Ben Zayb sa salamin na


maaaring ginagamit ni Mr. Leeds sa pandaraya subalit wala itong nakita.
 Pagkaraan ay pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at paglabas ay may dala na
siyang kahong kahoy na natagpuan daw niya sa libingang nasa piramid ni Khufu.

Tandaan: 
a. Si Khufu ay isang Paraon ng Ehipto.
b. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng
dalawang salita:
 Unang salita - Nabubuhay ang abo at nakakausap ang isang ulo
 Ikalawang salita – Bumabalik ang espinghe sa dating kinalalagyan

 Maya-maya, binigkas ni Mr. Leeds ang salitang “Deremof” kung saan ay lumabas sa
kahon ang isang ulo na mukhang bangkay na may mahaba at makapal na buhok.
 Isinalaysay ng ulo na nagngangalang Imuthis ang kanyang buhay.

Tandaan: 
a. Isinilang siya sa panahon ni Amasis at pinatay sa panahon ng pananakop ng
mga Persas, sa panahon ng bigong pananalakay sa Lybia ni Cambyses.
b. Si Imuthis ay umibig sa dalagang anak ng pari at naging kaagaw niya rito
ang kabataang pari ng Abydos kaya nagpanukala ang huli ng kaguluhan at si Imuthis ang
sinangkalan.
c. Isinakdal si Imuthis, napiit, tumakas at napatay nang tugisin sa lawa ng
Moeris samantalang sumunod ang batang pari sa kanyang minamahal kahit na nagkanlong na ang
dalaga sa templo ni Isis sa pulo ng Philoe.

 Titig na titig si Imuthis kay Padre Salvi habang sinasabi na nabuhay siyang muli
upang ihayag ang gayong katampalasan ng pari ng Abydos.

Tandaan: 
a. Saklot ng sindak si Padre Salvi nang panahong iyon kaya nawalan ito ng
malay-tao na naging sanhi ng pagkakagulo sa bulwagan.

 Bumalik sa pagiging abo ang espinghe at inilagay muli ni Mr. Leeds ang mantel na
itim sa ibabaw ng mesa at nagpugay sa mga nanonood.
 Kinabukasan ay nagpahayag si Ben Zayb ukol sa agham ng kahiwagaan,
espiritwalismo, at iba pang bagay ukol dito.
 Natapos ang kabanata sa pagsasabing ipinag-utos ng gobernador-eklesyastiko ang
pagbabawal sa ganoong uri ng palabas subalit si Mr. Leeds ay nakaalis na
patungong Hongkong na dala ang kanyang lihim.
 
II. Karagdagang Kaisipan sa Pamamagitan ng Tanong-Sagot
Sa bahaging ito ay nais kong bigyang-pansin ang ilang kaisipan na makatutulong sa iyo upang
mapagwari ang ilang simbolismo o pahiwatig ni Rizal sa kabanata.

 Paano masasabing ang buhay ni Imuthis ay buhay ni Ibarra?


 Nag-aral sila kapwa sa ibang bansa
 Kapwa batang paring nag-anyong banal ang kanilang karibal sa pag-ibig
 Kapwa tinugis sa lawa at napatay (pinaniniwalaang si Ibarra ay napatay)
 Kapwa sa loob ng templo hinalay ng pari ang iniibig nilang magandang
dalaga na anak sa pagkakasala ng isang pari din.
 Kapwa nagbalik sa bayan ng mga buhay upang gumawa ng mga pag-uusig
sa may pagkakasala, si Imuthis bilang espinghe at si Ibarra bilang Simoun.

 Bakit parang sinadyang kahawig ng buhay ni Ibarra ang salaysay ni Imuthis?


 Magkaibigan sina Mr. Leeds at Simoun kaya maaaring ipalagay na iyon ang
ipinasalaysay ni Simoun upang makaabot kay Padre Salvi ang mga balaraw o sundang ng ngitngit
na nagwawala sa kanyang dibdib.
 Maaalalang si Simoun ay matagal na nawala bago nasapit nina Ben Zayb
ang kubol ni Mr. Leeds kaya malamang na nagkaroon ng sapakatan ang dalawa.
 Paano nagawa ang pagbuo sa ulong nagsasalita?
Tulad ng hula ni Ben Zayb, nalikha ng ilusyon ng ulong nagsasalita sa tulong ng mga salaming
nasa paligid ng mesa subalit hindi ito makita ni Ben Zayb dahil nasa loob ng mga paa ng mesa ang

mga salamin.

Pinaghanguan ng Larawan: Gabay sa Pag-aaral sa El Filibusterismo ni Tomas Ongoco, 2002

 Ano ang isinasagisag ni Cambyses sa salaysay ng espinghe?


 Sumisimbulo siya sa pamahalaang nabigo sa kanyang mga proyektong
ikaluluwalhati ng Espanya at para mapagtakpan ito ay ibinunton ng pamahalaan ang nalalabing
kapangyarihan kay Imuthis o Ibarra.

 Bakit sa Hongkong nagtungo si Mr. Leeds matapos ang palabas?


 Natakot siyang gumawa ng lalang o pakana ang mga prayle, lalo na si Padre
Salvi na ikapapahamak niya.
 Ang Hongkong noon ay takbuhan ng mga inaapi sa Pilipinas na kayang
lumikas.
 
III. Suliraning Panlipunan
Kung pakasusuriin ang kaisipan, pananalita at sitwasyong inilahad sa mga pangyayari ng akda,
matutuklasan natin ang mga sumusunod na suliranin:
 Pangingialam ng simbahan sa isyung pampolitikal
 Paniniwala sa maling impormasyon na walang batayan
 Paghahanap ng butas o kamalian sa ibang tao upang mapabagsak ito
 
IV. Mahahalagang Pahayag ng mga Tauhan
Bawat tauhan ay may mahahalagang kaisipan na nagtataglay ng mga lihim na pahiwatig ng may-
akda. Kaugnay nito, naririto ang ilan sa mga pahayag na iyon at nais kong iyong isipin ang lihim sa
mga kataga ng mga tauhan.
 “Ngayon, ginoo, dahil sa wala namang Indiong makaririnig at madaling lokohin,
pahihintulutan mo ba akong ipakita ang mga kadayaan?” – Ben Zayb
 “Hindi maaari. Tingnan ninyo. Hindi niya iyan pwedeng gawin nang walang salamin.
Papalitan niya mamaya ang mesa.” – Ben Zayb
 “Mamamatay-tao, tampalasan, isusuplong kita, mamamatay-tao!” – Imuthis
 “Kung ganoon ang mga prayle man ay sabik sa makapanood. … Ano ang
espingheng ito, kasintahan ng mga prayle?” – Babae

Sa kabanatang ito ay iyong nakita ang masining na pag-uugnay ni Rizal sa mga naging
kaganapan sa buhay ni Crisostomo Ibarra sa katauhan ni Imuthis na isang ilusyon. Dito rin naipakita
ang gamit ng agham bilang paraan ng libangan noon hanggang sa ngayon lalo na kung ang pag-
uusapan ay mahika. Magkaganoon pa man, isa rin itong mapangutyang pagpuna ni Rizal sa maling
katauhan ng mga Kastila at prayle noong Panahon ng Kastila na siyang nais ilantad ni Rizal sa
tulong nina Ben Zayb at Padre Salvi.

EL FILIBUSTERISMO KABANATA 19: ANG MITSA


Kilala si Placido na matalino sa kanilang lalawigan ngunit nababalewala ito dahil sa sistema ng
pag-aaral na kinapapalooban niya kaya nagawa niya ring sagutin ang guro sa Pisika. Ito ang
patunay na ang paniniil ng isipan ang siyang nagiging mitsa ng sinomang mamamayan tulad ni
Placido na maghanap ng paraan sa pagpapahayag ng pagtutol subalit kadalasan itong nauuwi sa
paggamit ng dahas. Kaugnay nito, paano nga ba maiiwasang lumikha ng isang desisyon na
nakasalig sa sama ng loob? Gamitin ang tanong na ito bilang gabay upang maintindihan ang
naging desisyon ng mga tauhan sa kabanata.
I. Mahahalagang Pangyayari
Halina’t tuklasin ang mahahalagang pangyayaring nakapaloob sa Kabanata 19 ng El
Filibusterismo. Maaari mo ring basahin ang kwento sa kabanatang ito sa mismong aklat na El
Filibusterismo upang makita ang pasalaysay na paglalahad ni Rizal.
 Nilayasan ni Placido Penitente ang klase sa pisika na puno ng pait ang kanyang
puso na mababakas sa kanyang mapanglaw at luhaang tingin.

Tandaan:
a. Nakita ni Placido sa Puente de España sina Padre Sibyla at Don Custodio
na nakasakay, at muntikan nang habulin ng binata ang prayle para itapon sa ilog.
b. Nang mapadaan sa Escolta ay muntikan nang suntukin ni Placido ang
dalawang Agustino na nag-uusap sa pinto ng basar ni Quiroga.
c. Babanggain sana ni Placido ang dalawang kadeteng masayang nakikipag-
usap sa isang kawani pero hindi natuloy dahil nagbigay ng puwang ang mga ito.
d. Nang malapit na sa tinitirhang bahay, binuo ni Placido ang mga sumusunod
na balak na hindi matutuloy dahil dumating ang ina nito na mula probinsya:
 hindi na mag-aaral
 uuwi siya sa lalawigan para maghiganti sa mga prayle
 susulat sa ina upang sabihing pinagsarhan siya ng paaralan

 Napagtanto ni Kabesang Andang na seryoso ang anak sa mga binabalak nito kaya
nilitanya ng kabesa ang kanyang mga pagpapakasakit para sa kapakanan ng anak.

Tandaan:
a. Kinusensya rin ng kabesa ang anak sa pagpapaisip sasabihin ng nasirang
ama kapag nagkita na ang mag-asawa.
b. Iginigiit naman ni Kabesang Andang na kailangang magtiis at
magpakumbaba sapagkat ito lamang angparaan para umunlad.

 Nilibot ni Placido ang Sibakong, Tondo, San Nicolas at Santo Cristo hanggang sa
makaramdam ng gutom at magpasyang umuwi dahil wala itong dalang pera at sa pag-aakalang
nakaalis na ang ina.
 Iminungkahi ni Kabesang Andang na gawing tagapamagitan ang mga Agustino para
mapaglubag ang galit ng mga Dominikano sa anak.

Tandaan:
a. Matigas na sinabi ni Placido na tatalon muna siya sa dagat o magiging
tulisan kaysa bumalik sa unibersidad.
b. Binalak tumakas at tumungo ni Placido sa Hongkong para magpayaman at
labanan ang mga prayle.

 Inabot ng gabi sa daungan si Placido habang naghahanap ng mahihingan ng tulong


para makapunta ng Hongkong subalit wala siyang kilala sa mga marino na naroon.
 Pumunta si Placido sa peryahan para ituloy ang pagpapalipas ng sama ng loob kung
saan niya nakita si Simoun na nagpapaalam sa isang banyaga.

Tandaan:
a. Lakas-loob na nilapitan ng Batanggenyo ang alahero para humingi ng tulong
upang makarating sa Hongkong.
b. Nang makita nina Placido at Simoun sina Isagani at Juanito, nainggit si
Placido sa dalawa samantalang kinainisan ni Simoun si Isagani.

 Nagpatuloy sa paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sa sapitin nila ang isang
bahay na munti na pagawaan ng mga pulbura.

Tandaan:
a. Ang pagawaan ay pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego na
tinanggal sa trabaho at ipinatapon dahil sa kagustuhang makapagturo ng maayos.
b. Hindi na paaabutin pa ni Simoun sa kwaresma ang mga balakin dahil
baka hindi na abutang buhay si Maria Clara kaya isasagawa na ito sa linggo.
c. Ang unang putok ng kanyon ang magiging hudyat batay na rin sa sinabi ng
negosyante sa kasabwat na masakiting Kastila.
 Muling sumakay sa karwahe sina Placido at Simoun hanggang sa makarating sa
bahay ng alahero sa Escolta upang sila ay magkausap.

Tandaan: 10:30 n.g. nang marating nina Simoun at Placido ang tirahan ng alahero


samantalang 12:30 n.u. noong lakbayin ni Placido ang Escolta para umuwi.

 Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun kung saan ay
sinusurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain.
 Natapos ang kabanata sa pagsasabing nakangiti at maamo ang mukhang nakikinig
si Placido sa litanya ng ina at hindi na tumutol pa sa balak ng ina.

Tandaan:
a. Hinikayat rin ni Placido ang ina na umuwi kaagad sa lalawigan dahil kung
malaman daw ng prokurador na naroon si Kabesang Andang ay baka hihingan pa ito ng regalo at
pamisa.
b. Hindi ipinaalam ni Placido sa ina ang tunay na dahilan ng pagbabago ng
kanyang kalooban.
 
II. Karagdagang Kaisipan sa Pamamagitan ng Tanong-Sagot
Sa bahaging ito ay nais kong bigyang-pansin ang ilang kaisipan na makatutulong sa iyo upang
mapagwari ang ilang simbolismo o pahiwatig ni Rizal sa kabanata.

 Saan sumisimbolo si Kabesang Andang na nanay ni Placido?


 Si Kabesang Andang ay isang halimbawa ng isang ignoranteng ina noong
panahong iyon na kaya lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang
makapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo.

 Sino-sino ang mga inaasahang makikilahok sa himagsikan ni Simoun?


 Pangkat ng mga mamamayang naapi at ibig maghiganti
 Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa
udyok ng paghahanap ng katarungang ‘di nakuha sa pamahalaan
 Mga kawal na kanyang pinaniwalang ibig ng Kapitan Heneral na manggulo
sila sa mga sibil at sa mga prayle upang magkaroon ng dahilan ang Heneral na magtagal pa sa
Pilipinas
 Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga kawal
at sibil

 Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral pa?


 Iisa ang unibersidad noon para sa karera, ang Pamantasan ng Santo Tomas
subalit ayaw na siya roon at ‘di na siya tatanggaping muli.

 Ano ang lintik na ibig nang sumabog ni Placido upang maipakilala ang ngitngit
ng kanyang paghihiganti?
 Ang himagsikang tulad ng naganap noong 1872 at naging dahilan ng
kamatayan ng GomBurZa.
 Makikita ritong ang diwa ng 1872 nanatiling buhay sa isip at damdamin ng
mga Pilipino at umaasa sila sa muling pagsabog ng malaking himagsikan.
 Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara?
 Sa Phoenix sapagkat tulad ng ibon na kayang mabuhay muli, bibigyan
naman ni Simoun ng bagong buhay si Maria Clara kung makukuha ito sa kumbento.

 Bakit tila galit na anyo nina Don Rafael at Elias ang sumagi sa balintataw ni
Simoun?
 Ang dalawa’y ‘di sang-ayon sa pamamaraang ginagamit ni Simoun sapagkat:
a. Si Don Rafael ay kabutihang lagi ang batayan sa pakikitungo sa
bayan
b. Para kay Elias ay ‘di na karapat-dapat si Simoun sa tungkuling
kanyang ginaganap dahil hindi pambansang layunin ang nag-uudyok sa alahero

 Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun?


 Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa ngunit wala pang mitsa na
sisindihan upang pasabugin ang bomba subalit ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon na
bawiin si Maria Clara.
 
III. Suliraning Panlipunan
Kung pakasusuriin ang kaisipan, pananalita at sitwasyong inilahad sa mga pangyayari ng akda,
matutuklasan natin ang mga sumusunod na suliranin:
 Pakikilahok sa himagsikan
 Pagkawala ng ganang makapag-aral
 Paggamit ng dahas sa pagkamit ng layunin
 
IV. Mahahalagang Pahayag ng mga Tauhan
Bawat tauhan ay may mahahalagang kaisipan na nagtataglay ng mga lihim na pahiwatig ng may-
akda. Kaugnay nito, naririto ang ilan sa mga pahayag na iyon at nais kong iyong isipin ang lihim sa
mga kataga ng mga tauhan.
 “Sabi nila ako ay ‘di marunong maghiganti. Tingnan natin kung ano ang kanilang
sasabihin ‘pag tinamaan sila ng lintik (kidlat)!” – Placido
 “Kung ang kanyang anak ay magiging pari, ang kanyang ina ay ‘di na pagbabayarin
ng kanyang mga utang na matagal na nating sinisingil.” – Kabesang Andang
 “… Kaysa bumili ako ng bagong damit ay ginugol ko na lang ang pera sa pamisa at
paghahandog kay San Sebastian…” – Kabesang Andang
 “Ibig kong maging malaya, mabuhay ng tulad ng mga taong malaya.” – Placido
 “Iyan lamang ang silbi niya! Masarap ang kabataan!” – Simoun
 
Sa kabanatang ito ay nakita natin ang agresibong pagtalakay ni Rizal sa konsepto ng himagsikan.
Dito niya binigyang-pansin ang paghahanda ni Simoun sa nalalapit na paghihimagsik para sa
pansariling kapakanan. Ganoon din naman na ang pagbabago ng desisyon ni Placido hinggil sa
pag-aaral ay tanda ng kanyang pakikiisa sa magaganap na himagsikan. Sa kabila ng lahat ng ito,
ipinakita ni Rizal sa tulong nina Elias at Don Rafael na ang paglalagay ng batas sa kamay ay hindi
mabuti, gayon din ang pag-iisip ng pansariling kabutihan lamang kaya huwag mong paiiralin ang
galit o sama ng loob sa pagdedesisyon sapagkat kapahamakan lamang ang maidudulot nito tulad
ng ginagawa ni Simoun. Maidaragdag din na laging isaisip ang kabutihan ng nakararami at hindi
lamang ang pansarili.

EL FILIBUSTERISMO KABANATA 20: ANG NAGPAPALAGAY / ANG


PONENTE
Isang mahalagang katangiang taglay dapat ng sinomang hukom o tagapagpasya ng usapin ay
ang pagiging patas at maalam sa paksa. Ito ay upang masiguradong tama at walang kinikilingan ang
anomang mabubuong desisyon o pasya hinggil sa gawain. Kugnay nito, paano natin maiiwasan
ang pagtatalaga sa tungkulin ng mga taong hindi naman karapat-dapat? Isaisip ang
katanungang ito habang kinikilala si Don Custodio.
I. Mahahalagang Pangyayari
Halina’t tuklasin ang mahahalagang pangyayaring nakapaloob sa Kabanata 20 ng El
Filibusterismo. Maaari mo ring basahin ang kwento sa kabanatang ito sa mismong aklat na El
Filibusterismo upang makita ang pasalaysay na paglalahad ni Rizal.
 Dalawang araw pagkagaling sa perya sa Quiapo ay hinarap muli ni Don Custodio
ang suliranin sa paaralan sa paraang mag-iisip, walang maiisip, matutulog.

Tandaan: Gusto ni Don Custodio na mapagbigyan ang lahat kaya kumonsulta siya sa mga
sumusunod:
a. Senyor Pasta
 Kaysa makatulong ay hinilo lamang siya ng abogado pagkatapos
nitong magbigay ng mga payo na nagkakabanggaan.

b. Pepay
 Walang masabi ang mananayaw bagkus ay umikot lamang ito sa
kanya ng isang beses
 Pagkatapos umikot ay humingi ng bente singko (25) pesos para
pampalibing sa tiyahing limang beses na yatang namatay o sa ikalimang tiyahing namatay.

 Isinalaysay ang pagkatao ni Don Custodio at ang dahilan kung bakit siya ang napili
ni Padre Sibyla na magdesisyon sa napakahirap daw na problema.

Tandaan:

a. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ay kasama sa


uri ng lipunan na sugapa sa papuri ng mga pahayagan.
b. Ang bansag na Buena Tinta na nangangahulugang mapagkakatiwalaan
ang sabihin o mahusay na tagasulat ng mga papeles ay nanggaling sa kanyang
pakikipagkaibigan kay Ben Zayb.
c. Dulot ng pagkaabilidad at pagkadiskarte ni Don Custodio ay ginamit niya ang
pera ng asawa at nangontrata sa mga proyekto ng gobyerno.
d. Naging konsehal, alkalde at miyembro ng mga organisasyon tulad
ng Sociedad Economica de Amigos del Pais at Banco Español Filipino si Don Custodio.
e. Kahit walang alam sa isyung pangkalusugan o nabasang libro sa sanitasyon
si Don Custodio ay naging pangalawang pangulo siya ng Junta de Sanidad.
f. Ginamit ni Don Custodio ang kanyang impluwensyang pampulitika para
pangalagaan ang interes ng kanyang mga negosyo.

 Nang magtungo sa Espanya si Don Custodio upang magpagamot ng sakit sa atay ay


walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan.

Tandaan:
a. Ang inaasahan ni Don Custodio ay magkakaroon ng marangyang
pakikihalubilo sa kanya ang mga tao roon.
b. Natabi lamang si Don Custodio sa Espanya na parang basang sisiw dahil
mga tunay na dalubhasa, mayama’t makapangyarihan ang nakatagpo niya roon.
c. Pinagtawanan at inuto lamang si Don Custodio sa Espanya kaya ‘di
nahustong isang taon ay bumalik na siya sa Pilipinas, ang bayang halos ay dumidiyos sa kanya.

 Pagdating sa Maynila ay ipinagmalaki ni Don Custodio ang kanyang pakikihalubilo


sa mataas na pinuno ng lipunan sa Madrid kahit wala itong katotohanan.
 Natapos ang kabanata sa pagsasabing nakabuo na ng pasya si Don Custodio at
handa na niya itong ipaalam sa lahat.

Tandaan:

a. Nang usisain ng mataas na kawani ang lagay ng paaralang balak nina


Isagani sapagkat labinlimang (15) araw nang nasa pag-aaral ni Don Custodio ay ngumiti lamang
ang huli na ikinatakot ng kawani.
b. Minsang naglilibang si Don Custodio kay Pepay nang biglang pumasok sa
isip ng don ang kalutasan kaya agad na nagtungo sa mesa at mabilis na isinulat ang inakalang
dapat na hakbang ukol sa paaralan.
 
II. Karagdagang Kaisipan sa Pamamagitan ng Tanong-Sagot
Sa bahaging ito ay nais kong bigyang-pansin ang ilang kaisipan na makatutulong sa iyo upang
mapagwari ang ilang simbolismo o pahiwatig ni Rizal sa kabanata.

 Ano ang nais ipahiwatig ni Rizal sa pahayag ni Padre Irene na malapit nang
maresolba ang problema sa akademya?
 Isa itong pakutyang pahayag ni Rizal sapagkat kabalikan ng katotohanan
ang nangyari hinggil sa usapin na madalas ding maganap noong kapanahunan.

 Bakit nahirapan si Don Custodio sa pagpapasya sa panukalang paaralan?


 Nais pagbigyan ni Don Custodio at bigyang-kasiyahan ang mga Dominikano
 Ang nangyaring ito ang patunay ni Rizal sa kanyang ipinahayag na “Kung
nais mong bigyang-kasiyahan ang lahat, ni isa’y wala kang mabibigyang-tuwa.”
 Ano-anong katunggakan ang may tatak ng diwa ni Don Custodio tulad ng
pagpapalaga ng itik upang lumalim ang Ilog Pasig?
 Gawing parang tablang sahig upang maging patag ang mga daan sa Maynila
 Gawing may tatlong gulong ang mga sasakyan upang maging higit na
matatag at maiwasan ang mga kapahamakan (hila ng kabayo ang sasakyan noon).
 Pasingawan ng gamot-disimpektante ang lahat, pati telegram ana buhat sa
mga pook na may salot (ang papel na gamit sa telegrama ay dito rin sa atin).
 Ipagbabago na lamang ang mga bilanggo upang makatipid ang pamahalaan
at makaiwas sa init ang mga bilanggong ito.

 Ano ang masasabi natin sa pakikitungo ni Don Custodio sa mga katutubo?


 Pagtingin ng isang mangmang na ama dahil nagbubulag-bulagan sa mga
pag-unlad ng anak na ipinalalagay na musmos pa rin at walang pag-unlad.

 Bakit daw magiging kaawa-awa ang mga Indio ‘pag napupuri?


 Nagmamalaki na raw at natututong lumaban at kung magkakagayon,
mapapahamak ang pamahalaan o ang mga kura.
 
III. Suliraning Panlipunan
Kung pakasusuriin ang kaisipan, pananalita at sitwasyong inilahad sa mga pangyayari ng akda,
matutuklasan natin ang mga sumusunod na suliranin:
 Pagmamayabang
 Mababang pagtingin o pagtrato sa iba
 Paghingi ng isang bagay kapalit ng isa pang bagay
 
IV. Mahahalagang Pahayag ng mga Tauhan
Bawat tauhan ay may mahahalagang kaisipan na nagtataglay ng mga lihim na pahiwatig ng may-
akda. Kaugnay nito, naririto ang ilan sa mga pahayag na iyon at nais kong iyong isipin ang lihim sa
mga kataga ng mga tauhan.
 “Walang bagay na likas sa mga Indio. Hindi sila dapat bigyan ng pagkakataong
lumikha. …” – Don Custodio
 “… Ang iba’y ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang maglingkod. … Kapag
nais mong supilin ang bayan, paniwalain ninyong sila’y nababagay na tagasunod lamang. …” – Don
Custodio
 “Ang mga prayle ay kailangan. Sila’y masama pero kinakailangan.” – Don Custodio
 
Sa kabanatang ito ay ating natuklasan ang tunay na pagkatao at naging buhay ni Don Custodio.
Dito natin natuklasan ang kanyang lubos na pagmamaliit sa mga Pilipino sa kabila ng mga likas at
mahusay nilang ginagawa. Tunay ngang isa siyang ama na patuloy na nagbubulag-bulagan
sapagkat hindi niya nakikita ang kaunlaran at kabutihan ng iba. Nawa’y sa tulong ng buhay at
karanasan ni Don Custodio ay matuto tayong magpahalaga sa kakayanan ng iba at hindi lamang
ang sarili ang palagi nating iniisip. Ganoon din naman na lagi nating alalahanin na sa pagbuo ng
desisyon ay hindi natin mapasasaya ang lahat tulad ng sinabi ni Rizal kaya gumawa tayo ng
desisyon para sa ikabubuti ng nakararami nang hindi nakatatapak sa iba.
 
PAGLALAHAT:
 
Sa lahat ng ito ay nakita natin ang iba’t ibang katauhan ng mga karakter na inilagay ni Rizal sa
kanyang nobela. Dito natin nakita sa tulong ng Kabanata 16 ang pagpapakasakit at pagkatuso ni
Quiroga sa kanyang pagnenegosyo na ginamit ni Rizal bilang babala sa lahat. Samantala, naipakita
ni Rizal sa masining na paraan sa Kabanata 17 at 18 ang pagbabalat-kayo ng mga Kastila lalo na
ng mga prayle noong kapanahunan nang tumungo ang mga tauhan sa perya sapagkat dito niya
inilantad ang pagiging malaswa nina Padre Camorra at Padre Salvi na taliwas sa tunay na itinuturo
ng simbahan.
Sa kabilang banda, tulad ni Quiroga ay nakita natin ang masalimuot na buhay ni Placido Penitente
sa Kabanata 19 matapos siyang umalis sa pamantasan. Dito rin naipakita ang kanyang
kagustuhang maghiganti na lalong nagdingas nang ipakita ni Simoun ang kanyang mga balak sa
paghihimagsik. Dito rin natin napatunayan na ang pagdedesisyon habang nalalango sa pagkagalit o
sama ng loob ay hindi makatutulong sa kahit na sino.
Kaugnay nito, natuklasan din natin sa Kabanata 20 ang pagharap ni Don Custodio sa panukalang
Akademya ng Wikang Kastila at ang kanyang pamumuhay upang marating ang kanyang
kinatatayuan. Tunay na ginagamit ni Don Custodio ang kanyang isip sa padedesisyon at
pagsasagawa ng isang bagay subalit hindi natin maitatanggi na siya ay walang puso sa mga Indio at
pansariling kapakanan lamang din ang iniisip kaya maging aral nawa ang kanyang naging buhay
upang lalo tayong magpakabuti sa ating kapwa.

FILIPINO WORD POWER 


Kabanata 16: Ang Mga Kapighatian ng Isang Intsik
 KONSULADO (Consulate) – Kinatawan ng pamahalaan
Hal. Dumating kamakailan ang konsulado na nangangasiwa sa maayos na proseso ng
pagbabakuna.
 NAGBUNSOD (Impel) – Naglunsad / Nagpasimula
Hal. Nagbunsod ang iba’t ibang lokal na pamahalaan ng pagbabakuna kontra sa COVID-19
upang mapigilan na ‘di umano ang paglawig nito.
 PAGSALANGSANG (Contradiction) – Pagsalungat
Hal. Labis ang pagsalangsang ng Tanggol Wika laban sa pagkakaalis ng Filipino sa kolehiyo.
 KAPIGHATIAN (Suffering / Woe) – Pagdurusa / Kasawian
Hal. Ang kapighatian ng Panginoon ang naging daaan upang tayo’y Kanyang matubos mula sa
ating mga kasalanan kaya dapat tayong magpakabuti.
 NAGTUTUSTOS (Finance / Support) – Gumagastos / Nagbibigay
Hal. Bilang panganay, si Ana ang nagtutustos sa pag-aaral ng mga nakababatang kapatid lalo
na’t sila ay ulilang lubos.
 
Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo
 NAGBIGAY-PUWANG (Waived) – Nagpaubaya
Hal. Agad na nagbigay-puwang ang apat (4) na kalalakihan sa mga kasamang dalaga nang
makita na hindi na sasapat sa walo (8) ang mga upuan.
 PINAMAMAYANIHAN (Dominated) – Pinangingibabawan
Hal. Pinamamayanihan na ng takot ang bata kaya hindi na ito makapanood nang maayos.
 PRINSA (Flatiron) – Plantsa
Hal. Tunay na maganda at mabilis uminit ang nabiling prinsa ni Lea.
 MAHALUMIGMIG (Humid / Moist) – Malamig-lamig / Mamasa-masa
Hal. Mahalumigmig ang simoy ng hangin tuwing madaling araw sa may pampang.
 TUNGAYAW (Malediction / Profanity) – Sumpa / Mura / Lapastangang pananalita
Hal. Hindi mapigilan na makapagbitiw si Pedro ng tungayaw sa anak na muntikan nang
makapatay kung hindi lang napigilan ng mga tao roon.
 
Kabanata 18: Mga Kadayaan
 NAKAPANININDIG-BALAHIBO (Scary) – Nakatatakot
Hal. Sadyang nakapaninindig-balahibo ang pinanood na pelikula nina Ben kagabi.
 PAPIRO (Papyrus) – Papel
Hal. Sadyang nakamamangha ang papiro na nahukay sa piramide ng Ehipto.
 MAPANAGHOY (Lamentable) – Tinig ng malungkot / Umiiyak
Hal. Mapanaghoy na nagkwento si Lora nang maalala ang kamamatay na ina.
 SINASANGKALAN (Blame) – Idinadahilan / Idinidiin
Hal. Hindi maunawaan ni Leo kung bakit siya ang sinasangkalan ng mga kalaro na nakasira
sa basketball ring, gayong wala siyang kasalanan.
 KABUHUNGAN (Wickedness) – Kasamaan
Hal. Tunay ngang walang pinipiling oras o panahon ang kabuhungan ng mga nais manlamang
sa kapwa.
 
Kabanata 19: Ang Mitsa
 KARTUTSO (Cartridge) – Maliit na sisidlang metal ng pulbura at bala ng baril
Hal. Iniingatan ng mga pulis na hindi mapasakamay ng ibang tao ang kani-
kanilang kartutso upang hindi ito magamit sa masama.
 PROKURADOR (Procurator) – Solisitor / Tagausig
Hal. Itinalaga si Romeo bilang prokurador ng kanilang pamahalaang panlalawigan.
 MABALASIK (Fierce) – Mabangis / Matapang na parang tigre
Hal. Mabalasik na hinarap ni Leo ang mga isinampang kaso laban sa kanya.
 BINABAGABAG (Disturbed) – Ginagambala ang damdamin / Nakokonsensya
Hal. Labis na binabagabag si Ana nang matuklasang siya ang dahilan ng pagkamatay ng
matalik na kaibigan.
 SUBERSIBO (Subversive / Insurgent) – Mga taong lumalaban sa pamahalaan
Hal. Itinuturing ng pulisya na subersibo ang mga nakikilahok sa armadong rebelyon sa bansa.
 
Kabanata 20: Ang Nagpapalagay / Ang Ponente
 KUWARESMA (Lent) – Mahal na Araw / Semana Santa
Hal. Higit na naging mahalaga sa mga Pilipino ang paggunita sa kuwaresma ngayong taon
sapagkat ito ang tanda ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos.
 LUMILIGALIG (Harass / Worry) – Gumugulo
Hal. Patuloy na lumiligalig kay Jay ang hindi maipaliwanag na takot na kanyang nararamdaman
sa tuwing nakikita ang ama.
 TALA-TALAKSAN (Bundle) – Bulto-bulto / Maramihan
Hal. Tala-talaksan kung bumili ng paninda si Aling Martha sa Divisoria upang hindi na muling
maabala lalo na’t galing pa siyang probinsya.
 SUPILIN (Suppress / Control) – Pigilin / Pahintuin
Hal. Huwag mong hayaang supilin ng iba ang iyong karapatang-pantao hangga’t tama ang iyong
ginagawa at walang natatapakan na iba.
 PONENTE (Member of the court) –Miyembro ng hukuman na tagasulat ng hatol
Hal. Si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang nakatalagang ponente sa kasong
isinumite ni dating Senador Bongbong Marcos kay VP Leni Robredo.

You might also like