0% found this document useful (0 votes)
4 views8 pages

Interview Guide Questions

The document is an interview guide consisting of demographic, anamnesis, family history, substance abuse history, stress sources, and symptoms questions aimed at gathering comprehensive information about an individual's background, mental health, and family dynamics. It includes inquiries about personal experiences, relationships, and any psychiatric history to aid in understanding the individual's current condition. The guide is structured to facilitate a thorough assessment for mental health evaluation or treatment planning.

Uploaded by

sdctoledo15
Copyright
© All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
4 views8 pages

Interview Guide Questions

The document is an interview guide consisting of demographic, anamnesis, family history, substance abuse history, stress sources, and symptoms questions aimed at gathering comprehensive information about an individual's background, mental health, and family dynamics. It includes inquiries about personal experiences, relationships, and any psychiatric history to aid in understanding the individual's current condition. The guide is structured to facilitate a thorough assessment for mental health evaluation or treatment planning.

Uploaded by

sdctoledo15
Copyright
© All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Estrella, Enrico P.

III PUP SAN JUAN


Flores, Michael Adrian C. Batch 10 - Full House
Naluz, Juan Miguel M. March 18, 2026
Toledo, Sophia DC.
Tungol, David I.

INTERVIEW GUIDE QUESTIONS

DEMOGRAPHIC DATA
1.​ Could you please state your full name and what you prefer to be called? (Maaari niyo po
bang sabihin ang inyong buong pangalan at ano ang gusto ninyong itawag ko sa inyo?)
2.​ How old are you, and when is your birthday? (Ilang taon na po kayo at kailan ang inyong
kaarawan?)
3.​ Where were you born? (Saan po kayo ipinanganak?)
4.​ What is the highest level of education you have completed? (Ano po ang pinakamataas
na antas ng pag-aaral ang inyong natapos?)
5.​ What kind of work did you do for most of your life before coming here? (Ano po ang
naging pangunahing trabaho o hanapbuhay ninyo sa halos buong buhay ninyo bago
kayo pumunta rito?)
6.​ How did you feel when you stopped working? Was it a choice you were ready for? (Ano
po ang naramdaman ninyo nung tumigil na kayo sa pagtatrabaho? Pinili niyo po ba ito o
kusa na lang pong nangyari?)
7.​ Where are you currently living? (Saan po kayo kasalukuyang nakatira?)
8.​ Do you practice any specific religion or spiritual beliefs? (Ano po ang inyong relihiyon o
espiritwal na paniniwala?)

ANAMNESIS
1.​ When did you first notice these symptoms or feelings? Was there a specific event that
triggered them? (Kailan niyo po unang napansin ang mga nararamdaman ninyong ito?
Mayroon po bang partikular na pangyayari na naging mitsa nito?)
-​ You mentioned the [symptom] started a [month/year] ago. Was there anything
else happening in your life at that time—like a change in room or a loss of a
friend? (Nabanggit niyo po na nagsimula ang [symptom] noong nakaraang
buwan. Mayroon po bang ibang nangyari sa buhay ninyo noon—tulad ng paglipat
ng kwarto o pagkawala ng isang kaibigan?)
2.​ How have these symptoms changed or progressed since they started? (Paano po
nagbago o lumala ang mga nararamdamang ito simula nung mag-umpisa sila?)
3.​ Have you ever been hospitalized or confined for medical or emotional reasons before?
(Na-confine o na-ospital na po ba kayo dati dahil sa pisikal o emosyonal na
karamdaman?)
4.​ Have you ever received a formal diagnosis from a psychiatrist or doctor before?
(Nadiyagnos na po ba kayo ng isang psychiatrist o doktor dati? Ano po ang sinabi nila?)
5.​ Are you currently taking any medications? What about medications prescribed in the
past? (May iniinom po ba kayong gamot sa kasalukuyan? Kumusta naman po ang mga
gamot na nireseta sa inyo noon?)
6.​ Are you following the dosage as prescribed by your doctor? (Nasusunod po ba ninyo
ang tamang dosage o dalas ng pag-inom na nireseta ng inyong doktor?)
-​ Sometimes it’s hard to keep track of all the pills. Have there been times lately
where you felt like skipping them or simply forgot? (Minsan po ay mahirap
tandaan ang lahat ng gamot. May mga pagkakataon po ba nitong huli na parang
ayaw niyo nang uminom o nakakalimutan niyo lang po talaga?)

FAMILY HISTORY
1.​ Please describe your family composition, including biological parents, siblings, and other
significant caregivers during your developmental years. (Maaari mo bang ilarawan ang
komposisyon ng inyong pamilya, kabilang ang iyong mga magulang, kapatid, at iba pang
taong nag-alaga sa iyo habang ikaw ay lumalaki?)

Follow-up: Who did you primarily identify as your main caregiver during childhood?
(Sino ang maituturing mong pangunahing nag-alaga sa iyo noong ikaw ay bata pa?)

2.​ What is your current relationship status with your immediate family members? (Ano ang
kasalukuyang kalagayan ng iyong relasyon sa iyong mga malalapit na kapamilya?)

Follow-up: Have there been any recent changes in these relationships? (Mayroon bang
mga kamakailang pagbabago sa mga relasyong ito?)

3.​ Is there any documented history of psychiatric disorders among your biological relatives?
(Mayroon bang naitalang kasaysayan ng psychiatric disorders sa inyong mga
kamag-anak?)

Follow-up: Were any of them hospitalized or treated for these conditions? (Mayroon ba
sa kanila ang naospital o nabigyan ng psychiatric treatment?)

4.​ Is there a family history of mood disorders such as Major Depressive Disorder or Bipolar
Disorder? (Mayroon bang kasaysayan ng mood disorders tulad ng Major Depressive
Disorder o Bipolar Disorder sa inyong pamilya?)

Follow-up: How did these conditions affect family functioning? (Paano nakaapekto ang
mga kondisyong ito sa samahan ng inyong pamilya?
5.​ Is there any family history of psychotic disorders such as schizophrenia or other
conditions involving loss of contact with reality? (Mayroon bang kasaysayan ng psychotic
disorders tulad ng schizophrenia o ibang kondisyon na may kaugnayan sa pagkawala ng
koneksyon sa realidad?)

Follow-up: Were there observable symptoms such as hallucinations or delusions?


(Mayroon bang mga sintomas tulad ng hallucinations o delusions na napansin?)

6.​ Is there any family history of substance use disorders involving alcohol, nicotine, or illicit
drugs? (Mayroon bang kasaysayan ng substance use disorder sa inyong pamilya tulad
ng alak, sigarilyo, o ilegal na droga?)

Follow-up: Did this result in medical, occupational, or legal consequences? (Nagdulot


ba ito ng problemang medikal, trabaho, o legal?)

7.​ Is there any history of suicide, suicide attempts, or self-injurious behavior among your
relatives? (Mayroon bang kasaysayan ng pagpapakamatay, tangkang pagpapakamatay,
o pananakit sa sarili sa inyong pamilya?)

Follow-up: How was this situation managed by your family? (Paano ito hinarap ng
inyong pamilya?)

8.​ Are there any hereditary medical conditions present in your family such as hypertension,
diabetes, cardiovascular disease, or neurological disorders? (Mayroon bang
namamanang sakit sa inyong pamilya tulad ng hypertension, diabetes, sakit sa puso, o
neurological disorders?)

Follow-up: Are you currently being monitored for any similar conditions? (Ikaw ba ay
kasalukuyang mino-monitor para sa mga ganitong kondisyon?)

9.​ How would you characterize your family's typical communication style (e.g., open,
avoidant, hostile, or supportive)? (Paano mo mailalarawan ang karaniwang paraan ng
komunikasyon sa inyong pamilya; halimbawa: bukas, umiiwas, may tensyon, o
supportive)?

Follow-up: How comfortable are you in expressing personal concerns to them? (Gaano
ka komportable na ibahagi ang iyong personal na problema sa kanila?)
10.​Is there any history of trauma within your family such as abuse, neglect, or domestic
violence? (Mayroon bang kasaysayan ng trauma sa inyong pamilya tulad ng abuso,
kapabayaan, o karahasan sa tahanan?)

Follow-up: Were these incidents formally reported or addressed? (Ang mga insidenteng
ito ba ay naireport o nabigyan ng aksyon?)

11.​Did you experience any significant attachment disruptions during childhood such as
prolonged separation from caregivers? (Naranasan mo ba ang matagal na
pagkakahiwalay sa iyong magulang o tagapag-alaga noong ikaw ay bata pa?)

Follow-up: How did this affect your emotional development? (Paano ito nakaapekto sa
iyong emosyonal na pag-unlad?)

12.​How does your family typically respond when a member experiences psychological
distress? (Paano karaniwang tumutugon ang inyong pamilya kapag may miyembrong
nakakaranas ng psychological distress?)

Follow-up: Do they usually encourage professional help? (Hinihikayat ba nila ang


paghingi ng tulong sa propesyonal?)

13.​Who do you identify as your most reliable source of emotional support within your
family? (Sino ang maituturing mong pinaka-maaasahang emosyonal na suporta sa iyong
pamilya?)

Follow-up: How accessible is this person during times of crisis? (Gaano siya kadaling
lapitan kapag ikaw ay may matinding pinagdaraanan?

14.​Are your family members aware of your current condition or reason for consultation?
(Alam ba ng iyong pamilya ang iyong kasalukuyang kalagayan o dahilan ng iyong
pagpapakonsulta?)

Follow-up: What has been their response so far? (Ano ang kanilang naging reaksyon sa
ngayon?)

15.​How would you assess the overall role of your family in your recovery or treatment
process? (Paano mo masusuri ang kabuuang papel ng iyong pamilya sa iyong
paggaling o proseso ng paggamot?)

Follow-up: What kind of support would you like to receive from them moving forward?
(Anong uri ng suporta ang nais mong matanggap mula sa kanila sa hinaharap?)
HISTORY OF SUBSTANCE ABUSE

1.​ Do you have any experience of taking substances such as: alcohol, cigarettes, or
prohibited drugs? (Ikaw ba ay may karanasan sa pag gamit ng mga bagay na tulad ng
alak, sigarilyo, o mga ipinagbabawal na droga?)
-​ What has your use of these substances been like over time? (Kumusta naman
ang paggamit mo ng mga ito sa mga nakaraang panahon?)
-​ Based on your experience, can you describe what it is like taking these
substances? (Batay sa iyong karanasan, paano mo maipapaliwanag ang
pakiramdam ng pag gamit ng mga ito?)
-​ How long have you been using these substances? (Gaano katagal ka na
gumagamit ng mga ito?)
-​ How often do you typically use them? (Gaano mo kadalas ginagamit ang mga
ito?)
-​ Can you describe the amount you usually consume? (Maaari mo bang
maipaliwanag kung gaano karami ang iyong karaniwang ginagamit?)
-​ Have you noticed any changes in your use over time? What influenced those
changes? (Napansin mo ba kung may mga pagbabago sa pag gamit mo sa mga
nakaraang panahon? Ano sa tingin mo ang nakaimpluwensya sa pagbabago na
iyon?)
-​ How has your substance use or these activities affected your daily life? (Paano
nakakaapekto ang pag gamit ng substance o ng mga gawaing ito sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay?)
-​ What do you think led you to start or continue these behaviors? (Sa tingin mo,
ano ang mga bagay na nagtulak sayo na simulan o ipagpatuloy ang mga
gawaing ito?)
-​ How do you feel about your current patterns of use or activities? (Ano ang
nararamdaman mo tungkol sa kasalukuyang paggamit ng substances o pagsali
sa mga aktibidad na ito?)
-​ Have you ever tried to change or reduce these behaviors? What was that like for
you? (Nasubukan mo na bang baguhin o bawasan ang mga ito? Kumusta ang
naging dulot nito?
2.​ Have you had any experience in gambling? (Ikaw ba ay may karanasan sa
pagsusugal?)
3.​ How would you describe your use of computers, phones, or online activities in your daily
life? (Paano mo mailalarawan ang iyong pag gamit ng mga computer, phones, o mga
online na aktibidad sa iyong pang-araw-araw na buhay?)
-​ Have you ever felt that these activities (e.g., gaming, internet use) were difficult to
control? (Naranasan mo bang mahirap kontrolin ang mga gawaing ito?)
4.​ Have you ever had any experiences involving legal issues or violations? (Naranasan mo
na bang magkaroon ng problema sa batas o anumang pag- labag dito?)
5.​ Can you tell me about any situations where your behavior may have led to
consequences or trouble? (Maaari mo bang ikwento ang mga sitwasyon na kung saan
ang iyong kilos ay nagdulot ng problema o hindi magandang resulta?)
PROBLEMS ENCOUNTERED AND SOURCES OF STRESS
1.​ Can you share some of the most difficult experiences you have gone through before
coming here? (Maaari mo bang ibahagi ang ilan sa mga pinakamahirap na karanasan
na pinagdaanan mo bago ka napunta rito?)
2.​ What kinds of problems or challenges have you faced recently that made life stressful for
you? (Anong mga problema o hamon ang naranasan mo kamakailan na nagdulot ng
stress sa iyo?)
3.​ How did you usually deal with these problems when they happened? (Paano mo
karaniwang hinaharap o nilulutas ang mga problemang ito kapag nangyayari sila?)
4.​ Were there particular people, situations, or events that added to your stress? (Mayroon
bang mga tao, sitwasyon, o pangyayari na lalo pang nagdagdag ng stress sa iyo?)
5.​ Looking back, what do you think was the most stressful period in your life, and what
made it so difficult? (Kung babalikan natin, ano ang pinakanakakapag-stress na yugto ng
iyong buhay, at ano ang dahilan kung bakit ito naging mahirap?)
6.​ How have these stressors affected your health, emotions, or relationships? (Paano
nakaapekto ang mga stress na ito sa iyong kalusugan, emosyon, o mga relasyon?)
7.​ Have you noticed any changes in yourself, like your mood, sleep, or behavior, during
times of stress? (Napansin mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili, gaya ng mood,
tulog, o kilos, kapag ikaw ay nasa ilalim ng stress?)
8.​ What do you think usually triggers your stress the most? (Ano sa tingin mo ang
karaniwang nagiging mitsa ng iyong stress?)
9.​ Before you decided to seek help, what was happening in your life that made you feel you
could no longer handle things alone? (Bago ka nagpasya na humingi ng tulong, ano ang
nangyayari sa iyong buhay na nagparamdam sa iyo na hindi mo na kayang mag-isa?)
10.​Are there particular coping strategies or habits you tried in the past to reduce stress?
How effective were they for you? (Mayroon ka bang mga nakasanayang paraan o gawi
para mabawasan ang stress? Gaano ito nakatulong sa iyo?)

SYMPTOMS
Perceptual Disturbances (Hallucinations)
1.​ Sometimes when we're stressed, our senses can malfunction. Have you noticed any
strange sounds, smells, or seen things that others don't seem to notice?" (Minsan 'pag
pagod o stressed tayo, parang nagloloko ang senses natin. May mga naririnig ka ba,
naaamoy, o nakikita na parang hindi naman napapansin ng ibang tao?)
-​ If yes, how often do these occur, and do the voices or visions ever give you
specific instructions or commands?" (Kung oo, gaano ito kadalas mangyari, at
ang mga boses o imaheng ito ba ay nagbibigay sa iyo ng mga partikular na utos
o instruksyon?)
Grandiosity or Delusions
2.​ Do you hold any beliefs that you possess extraordinary abilities, wealth, or a unique
status that others do not recognize?" (Naniniwala ka ba na mayroon kang pambihirang
kakayahan, kayamanan, o isang espesyal na katayuan na hindi kinikilala ng ibang tao?)
-​ If yes, what evidence have you observed that supports these beliefs, and how
have others responded when you share them?" (Kung oo, anong mga ebidensya
ang iyong nakita na nagpapatunay sa mga paniniwalang ito, at ano ang naging
reaksyon ng ibang tao noong ibinahagi mo ito sa kanila?)
Pressured Speech and Thought Racing
3.​ Do you experience your thoughts racing at an uncontrollable speed, or do you feel a
persistent internal pressure to speak rapidly?" (Nararanasan mo ba ang mabilis na
pagtakbo ng iyong mga iniisip na hindi mo na makontrol, o nakakaramdam ka ba ng
pangangailangan na magsalita nang mabilis?)
-​ If yes, does this mental speed interfere with your ability to focus on a single task
or maintain a coherent conversation?" (Kung oo, ang bilis ba ng iyong pag-iisip
ay nakakaabala sa iyong kakayahang mag-focus sa isang gawain o
makipag-usap nang maayos?)
Orientation
4.​ Please state your full name, our current location, and today’s complete date, including
the year." (Maaari mo bang sabihin ang iyong buong pangalan, ang ating kasalukuyang
lokasyon, at ang kumpletong petsa ngayon, kabilang ang taon?)
Mood and Affect
5.​ How would you characterize your mood over the past few weeks, and how does it
compare to your current emotional state?" (Paano mo ilalarawan ang iyong “mood” sa
nakalipas na ilang linggo, at paano ito maihahambing sa iyong kasalukuyang emosyonal
na kalagayan?)
6.​ On a scale of 1 to 10, where 1 is the lowest and 10 is the highest, how would you rate
your mood today?" (Sa scale na 1 hanggang 10, kung saan 1 ang pinakamababa at 10
ang pinakamataas, paano mo irereyt ang iyong 'mood' ngayong araw?)
Anxiety and Suicidality
7.​ Are you experiencing symptoms of anxiety or depression, and have you had any recent
thoughts, intentions, or plans regarding self-harm or suicide?" (Nakakaranas ka ba ng
mga sintomas ng 'anxiety' o 'depression,' at nagkaroon ka ba kamakailan ng mga
kaisipan, intensyon, o plano tungkol sa pananakit sa sarili o pagpapakamatay?)
-​ If you have had these thoughts, do you have access to the means to carry them
out, and what factors currently keep you safe?" (Kung nagkaroon ka ng mga
ganitong kaisipan, mayroon ka bang paraan para isagawa ito, at ano ang mga
bagay na nagpapanatili sa iyong kaligtasan sa ngayon?)

GOALS

1.​ When you think about your future, what are some goals or dreams that come to mind?
(Kapag iniisip mo ang iyong kinabukasan, ano ang mga pangarap o layunin na
pumapasok sa isip mo?)
2.​ What are you hoping to achieve for yourself in the next few years? (Ano ang mga nais
mong makamit para sa iyong sarili sa mga susunod na taon?)
3.​ What gives you a sense of direction or purpose right now? (Ano ang nagbibigay sa iyo
ng direksyon o layunin sa ngayon?)
4.​ Are there things you’d like to improve or change in your life moving forward? (May mga
bagay ba na nais mong baguhin o pagbutihin sa iyong buhay sa hinaharap?)
5.​ What motivates you to keep going or work toward your goals? (Ano ang nagtutulak sayo
na patuloy na makamit ang mga layunin mo?)
6.​ What matters most to you at this point in your life? (Ano ang pinakamahalaga sa iyo sa
puntong ito ng iyong buhay?)
7.​ How do your current goals reflect what’s important to you? (Paano nakakaapekto ang
iyong mga layunin sa mga bagay na mahalaga sa iyo?)
8.​ Who or what influences your goals the most? (Sino o ano ang may pinakamalaking
impluwensya sa iyong mga layunin?)
9.​ Was there a specific moment or experience that made you decide to seek help?
(Mayroon bang partikular na pangyayari o karanasan na nagtulak sa iyo na humingi ng
tulong?)
10.​What concerns or challenges are you hoping to address? (Anong mga suliranin o hamon
ang nais mong matugunan?)
11.​How ready do you feel to make changes, if needed? (Gaano ka kahanda na gumawa ng
mga pagbabago, kung kinakailangan?)
12.​What do you think might help—or make it difficult—for you to reach your goals? (Ano sa
tingin mo ang makakatulong o maaaring maging hadlang sa pag-abot ng iyong mga
layunin?)
13.​Is there anything else about your goals or reasons for being here that you’d like me to
understand?(Mayroon pa bang gusto mong idagdag tungkol sa iyong mga layunin o
dahilan ng pagpunta mo dito na mahalagang maintindihan ko?)

You might also like